Panahon na! Di na pwedeng humingi ng downpayment ang ospital kung emergency, makukulong ang di susunod

Panahon na! Di na pwedeng humingi ng downpayment ang ospital kung emergency, makukulong ang di susunod

- May mensahe ang Department of Health ngayon sa mga ospital tungkol sa polisiya na dapata may "downpayment"

- Ayon sa DOH, hindi na raw pwedeng humingi ng downpayment ang ospital kung ito ay isang emergency

- Ang mga taong hindi sususnod dito ay maaring makulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na ngayon uubra ang mga polisiya sa ospital na kahit emergency eh hihingi muna ng downpayment sa pamilya ng pasyente bago ito asikasuhin.

Nalaman ng KAMI na may mensahe na ang Department of Health sa mga ospital na hindi aasikasuhin ang pasyente dahil walang pang-down.

Ayun sa balikbayan.info, si Assistant Secretary Elmer Punzalan ay nagbigay na ng isang pahayag, "Government hospitals do not require deposits from patients. Private hospitals on the other hand (should) treat patients, then refer them to government hospitals, if necessary."

Panahon na! Di na pwedeng humingi ng downpayment ang ospital kung emergency, makukulong ang di susunod

Panahon na! Di na pwedeng humingi ng downpayment ang ospital kung emergency, makukulong ang di susunod (Photo: GMA)
Source: Facebook

Sinabi din ni Punzalan na mayroon talagang oposisyon sa RA 10932 (Anti-Hospital Deposit Law) at dapat ay magkaroon ng tamang venue ito.

Naisabatas na ang nasabing batas noon August 3, nang nilagdaan ito ni Pres. Rodrigo Duterte.

Sa ilalim ng batas na ito, bawal ang mag "request, solicit, demand or accept any deposit or any other form of advance payment as prerequisite for administering basic emergency care, for confinement or medical treatment, or to refuse to administer medical treatment and support to any patient!"

Kung sinumang "official, medical practitioner or employee" ng isang ospital o medical clinic na hindi susunod sa batas na ito ay maaaring makulong.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi bababa sa anim na buwan at isang araw, at hindi hihigit sa dalawang taon at apat na buwan ang kulong na maaaring ipataw sa lalabag dito.

Maaari ring pagbayarin ng fine na hindi bababa sa P100,000 at hindi hihigit sa P300,000.

Pero puwede ring kulong at fine ang ipapataw na parusa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Si ate pa may sala? Misis, nahuli si mister at kanyang kabit sa hotel; nasisi pa ng netizens dahil sa katawan niya

Si ate pa may sala? Misis, nahuli si mister at kabit sa hotel; nasisi pa ng netizens dahil sa katawan niya

Si ate pa may sala? Misis, nahuli si mister at kabit sa hotel; nasisi pa ng netizens dahil sa katawan niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel