Kumpirmado! "Bangkay" nagpakamatay nga, nagbigti, PNP idinetalye ang pangyayari

Kumpirmado! "Bangkay" nagpakamatay nga, nagbigti, PNP idinetalye ang pangyayari

- Kumpirmado na ngayon na ang 71-anyos na si "Bangkay" ay nagpakamatay nga

- Ito ay ayon sa report ng Plaridel PNP kung saan sinabi nila na "nakabitay" ang katawan ni Bangkay nang matagpuan ito

- Bagamat di pa natukoy ang dahilan, hinuha ng mga pulis na ang sakit niya sa baga ang nagtulak sa kanya na tapusin ang buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinumpirma na ngayon ng Plaridel PNP na si Nonong "Bangkay" de Andres ay nagpakamatay nga sa pamamagitan ng pagbitay.

Nalaman ng KAMI na may sakit nga sa baga ang aktor, at ito ang tinitingnang anggulo ng mga pulis kung kaya baka naisipan ni Bangkay na tapusin na lamang ang buhay nito.

Si PO3 Oliver Sarmiento ng Plaridel PNP ay nakipagpanayam sa Bombo Radyo Naga.

Sabi ni Sarmiento, ang nakalap nila na impormasyon ay nagpakita na nagpaalam daw ang aktor sa mga kasamahan nito na maninigarilyo lamang.

Madaling araw na daw, napansin nilang di pa rin ito bumabalik kung kaya't hinanap siya.

Napagtanto nila na nang hinanap na si Bangkay, tumambad daw sa kanila ang nakabitay na katawan ng aktor.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon pa sa report ng Bombo, ang kanyang "emphysema" ang maaaring dahilan kung ba't tinapos niya ang buhay.

Sa separate na report ng Abante, ang caretaker na si Larry Liwanag ang nakatagbo sa nakabitin na katawan ni Bangkay sa isang cottage sa Tumagay Beach Resort madaling araw.

Naiulat sa KAMI na naging parte ng Forevermore si Bangkay at mga kapwa niya artista ay umalala sa kanya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon

Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon

Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel