Pangulong Duterte, binantaan daw ang UAE para maisalba sa death row ang Pinay OFW

Pangulong Duterte, binantaan daw ang UAE para maisalba sa death row ang Pinay OFW

- Binantaan di umano ni Pangulong Duterte ang United Arab Emirates upang maisalba si Jennifer Dalquez, ang Pinay OFW na nasa death row sa naturang bansa

- Nakauwi na ng matiwasay si Dalquez sa Pilipinas at personal nang nakausap ang Pangulo

- Napatay ni Dalquez ang kanyang amo sa pagdepensa sa kanyang sarili dahil sa tangka umano nitong panggagahasa sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakauwi na ng bansa ang Pinay OFW na si Jennifer Dalquez na nakaligtas mula sa death row ng United Arab Emirates.

Naisakatuparan ito dahil sa tulong ng mismong Pangulong Rodrigo Duterte na siyang nakipag-ugnayan sa UAE.

Sa ulat ng ABS-CBN news, pinagbantaan umano ng presidente ang UAE na pag itinuloy pa rin nila ang pagbitay noon kay Dalquez ay ipahihinto rin niya ang pagpapadala ng OFW sa kanilang bansa.

“She was spared sabi ko, kasi 'p***** i** bitayin nyo iyan, I will order immediately the suspension of deployment,'” ani Pangulong Duterte sa kanilang pagpupulong noong Martes ng gabi.

Ayon pa sa Pangulo, pinadala niya sina Labor Secretary Silvestre Bello at Overseas Workers Welfare Administration chief Hans Leo Cacdac sa UE upang asikasuhin ang kaso ni Dalquez at iparating ang mensahe ng pangulo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“After that, two months after na kinomute ang sentence niya to only 3 years,” ani Bello.

“What I’m trying to say is kung hindi ka magput*** i** walang mangyayari sa bayang ito," paliwanag ni Pangulong Duterte.

Emosyonal na nakapagpasalamat si Jennifer sa pangulo sa kanilang pagkikita noon ding Martes, Nobyembre 6.

2014 nang makasuhan ng murder si Jennifer sa pagpatay di umano sa kanyang amo. Depensa lamang daw ito ng OFW sa tangkang panggagahasa sa kanya ng kanyang amo.

Apat na taon ding nanatili sa kulungan si Dalquez bago siya tuluyang nakauwi ng bansa noong Nobyembre 1.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel