Viral Levi's PH ad, pinaiyak ang napakaraming netizens

Viral Levi's PH ad, pinaiyak ang napakaraming netizens

- Maraming netizens ang napaiyak sa bagong short film ng Levi's PH para sa panahon ng kapaskuhan

- Di raw kasi ito pangkaraniwang konsepto ng mga ad na talagang umantig sa mga damdamin lalo na ng mga magulang

- Umani ng papuri mula sa mga netizens ang nakaisip ng konsepto ng bagong commercial na ito na tumimo sa mga isip ng marami

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang nakakatunaw ng pusong video ng Levi's PH. Ito ay tungkol sa amang magpapa-customized ng jacket na ireregalo sa anak.

Sa una ay tatanggihan na sana siya ng tailor o sastre at pinapipili na lamang siya sa mga patches na mayroon na sila.

Ngunit, pinanindigan pa rin ng ama na masunod ang nais niya. Tinuruan niya ang sastre sa kagustuhang masunod ang disenyong gusto niya.

Nang matapos na ang customized jacket, aakalain mo lang na simpleng disenyo ito. At sumunod na ang eksenang nagpahagulohol sa marami.

Ang disenyo pala na nasa jacket ay braille system ng mga katagang "Anywhere you go, andyan lagi si Papa, " at ito ay para sa binatilyong anak ng lalaki na isa palang bulag.

Umani ng iba't ibang reaksyon ang viral video na ito at pinuri ng netizens ang Levi's sa naiiba at nakakatunaw na puso na konsepto ng advertisement nila.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"I actually cried, my heart"
"Thank you Levi for this touching video."
"Excuse me while I bawl my eyes out. The onion-chopping ninjas are back with more onions."
"Strong and touching message!! Great art director!!!"
"Legit ang simple lang ng vid pero tagos sa puso."

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel