Bakit niya nagawa iyon? Netizens, nag-alala sa matandang ama na pinagmumura at halos saktan ng anak

Bakit niya nagawa iyon? Netizens, nag-alala sa matandang ama na pinagmumura at halos saktan ng anak

- Viral ngayon ang video ng Radio Dagundong kung saan binahagi ang isang anak na lalaki na pinagmumura ang ama

- Tila kapitbahay pa nila ang nakakuha ng video na maririnig pang nag-aalala sa sitwasyon ng amang matanda na

- Labis na kinabahala din ng mga netizens ang ginawa na ito ng lalaki sa ama

Binahagi ng Radio Dagundong ang isang video kung saan aktwal na na nakunan ang pagmumura at halos pananakit na pisikal sa ama.

Sa umpisa pa lamang ng video, makikitang galit na galit ang lalaki sa ama at may hawak pa itong animo ay isang stick na maari niyang maihampas dito.

Nalaman ng KAMI na walang humpay ang pagmumura ng lalaki sa ama na nakahawak na lamang sa gate ng kanilang bahay.

Di paawat ang lalaki at nagawa pang hilahin at halos masaktan nang pisikal ang ama nito. Ang tanging nagawa ng ama at sipain ang anak ngunit dala ng katandaan, kulang na ito sa lakas.

Patuloy ang pagsigaw at pagmumura ng lalaki hanggang sa kaladkarin na nito ang ama papunta sa loob ng kanilang bahay.

Labis na nababahala ang kanilang mga kapitbahay na siyang kumuha ng video. Maririnig sa audio nito na nag-aalala sila sa kalusugan ng matanda.

Samantala, maging ang mga netizens ay nadurog ang puso sa nakitang video.

Karamihan sa kanila ay nagsasabing gaano pa man ang galit sa magulang, huwag pa rin daw sanang mawala ang respeto sa mga ito. Ngunit, may ilan namang nagsasabi na huwag daw husgahan ang anak sapagkat di natin alam ang buong kwento ng ikinagalit nito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Kahit anong galit mo sa magulang di dapat ganyan.. paslamat ka pa nga may tatay kapa.. imbis n alagaan at mahalin mo.. sana respeto mo nman sya. Mag kakaanak ka din.. maiintindihan at mararamdaman mo yan sa oras na yon .. pag sayo n ginawa"

"Wag natin siya husgahan... kita nyo naman kahit ano galit nya dinaan lang nya sa sigaw at pagmmumura... hindi katwiran na anak lang siya.. di natin alam kung ano pinagdaanan nila.. sila2 lang nakakaalam... for sure nyan paghupa ng galit nya ay hihingi siya ng tawad sa magulang nya... kita nyo di ba pinapasok nya sa loob.."

"Pwede kang magpasensya anak klang, oo minsan Mali sila, but u have to respect they are your parents always love them, wife n husband you can find again but parents no if they gone, never n ever will come back again,"

"Sa panahon ngayun madaming mata mapang husga dati naman walang facebook walang social media ah bat ngayun personal problem napost2 na ngayun away pamilya yan pag tapos ng away na yan im sure mag kakabati sila at mag mamahalan ng lubos kasi pamilya sila sana kung pwede lang mawala nalang ulit ang social media kasi nawawalang ng privacy ang bawat tao masyado na tyong mapanghusga hays"

"ng laki ng katawan pero ang utak ang liit...mahalin mo.dapat tatay mo lalonglalo na dahil matanda na cla alaagaan mo sana d dapat ganyan gawin mo.....tae ka.talaga noh....ka mag anak pa.kita o kapatid iwan kolang sayo. isali mupa yang nag vedio na tangatanga di.man lang humingi ng tulong. pweeeh"

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

How Do You Say. Cheers In Filipino? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel