VP Leni Robredo, manhid na sa mga bashers: "Hindi ako nagwi-waste ng sama ng loob"

VP Leni Robredo, manhid na sa mga bashers: "Hindi ako nagwi-waste ng sama ng loob"

- Inamin ni Vice President Leni Robredo na 'manhid' na umano siya sa kanyang mga bashers

- Umalma lamang siya nang ang kanyang mga anak na ang naapektuhan ng mga ito

- Subalit kalaunan, natuto na rin daw ang mga ito na huwag na lamang pansinin lalo na kung wala namang katotohanan ang mga ipinupukol sa kanila

- Gayunpaman, naisip din ng bise presidente na hindi umano maganda na hindi na lamang papansinin ang mga fake news at bashing gayung marami ang mga kababayan nating mabilis na maniwala at kung paulit-ulit, kahit hindi totoo ay pinaniniwalaan na rin

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sinabi ni Vice Presedent Leni Robredo na 'manhid' na umano siya sa mga ibinabato sa kanya ng kanyang mga bashers.

Nalaman ng KAMI na na para umano sa bise presidente, wala naman mawawala sa kanya kaya hinahayaan niya ang mga ito ngunit aminado siyang nainis nang ang mga anak niya ang naaapektuhan.

Read also

Lisa ng Blackpink, inspirasyon ni Ivana Alawi sa pagkakaroon niya ngayon ng short hair

VP Leni Robredo, manhid na sa mga bashers: "Hindi ako nagwi-waste ng sama ng loob"
Photo: VP Leni Robredo
Source: Facebook
"Kasi para sa akin wala namang mawawala sa akin, bahala kayo diyan. Pero mga 2016 naapektuhan ang mga anak doon ako naba-bother kasi sa tingin ko hindi naman nila dini-deserve na maapektuhan"

Ngunit kalaunan, nasanay na rin ang kanyang mga anak na hindi na lamang pinapansin ang anumang mga ipinupukol sa kanila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, napagtanto pa rin ni VP Leni na hindi rin umano maganda na isinasawalang kibo nila ang fake news at bashers dahil kahit walang katotohanan ang kanilang mga sinasabi, maaring paniwalaan pa rin umano ito ng mga tao kung pauli-ulit nila iyong nababasa o napakikinggan.

Narito ang kabuuan ng panayam ni Ogie Diaz kay VP Leni Robredo:

Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay misis ng namayapa na na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak.

Read also

Jake Cuenca, idinetalye ang kaganapan sa kontrobersyal na Mandaluyong car-chase

Nito lamang Oktubre 7, inanunsyo na ni Leni ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Ilan sa mga makakatunggali niya at naghain na rin ng certificate of candidacy bilang susunod na mamumuno sa Pilipinas ay sina Senator Bato Dela Rosa, Manny Pacquiao at Isko Moreno.

Nito lamang Oktubre 8, maanghang ang naging patutsada umano ni Mayor Isko kay VP Leni patungkol sa pag-iwan nito sa kanyang dating partido. Hindi raw maaring magsalita ng tungkol sa pagkakaisa si VP Leni gayung hindi ito nakiisa sa Liberal Party at naghain ng kanyang kandidatura bilang independent candidate.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica