Kasambahay ni Angeline Quinto na si Ate Irene, namutla sa prank na pinabarangay siya

Kasambahay ni Angeline Quinto na si Ate Irene, namutla sa prank na pinabarangay siya

- Sa kanyang ibinahaging video ay napagkatuwaang i-prank ni Angeline Quinto ang kanyang kasama sa bahay na si Ate Irene

- Kumausap siya ng mga barangay tanod na magiging kakuntsaba niya sa prank niya sa kanyang Ate Irene

- Ang kanilang pinalabas na kwento ay mayroong nagrereklamo kay Ate Irene at ito ay ang asawa ng kanyang ka-chat

- Tila naman mangiyak-ngiyak na si Ate Irene nang sabihin ni Angeline na prank lamang iyon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Napagtripan ni Angeline Quinto ang kanyang kasambahay na si Ate Irene na i-prank. Para maisakatuparan ang kanyang prank ay kumausap siya ng mga tanod na pupunta sa kanilang bahay upang ipagbigay-alam ang tungkol sa reklamo ng kunwari ay asawa ng kanyang ka-chat.

Kasambahay ni Angeline Quinto na si Ate Irene, namutla sa prank na ikukulong siya
Angeline Quinto (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Dinala na rin ito sa barangay at sumama naman si Angeline na sakay sa kanyang sariling sasakyan. Samantala, pilit pa ring sinasabi ni Ate Irene na wala talaga siyang ka-chat kaya wala siyang maisip kung sino ang mag-rereklamo sa kanya.

Read also

Wilbert Tolentino, 'di pa kailanman nagagalaw ang sahod sa YT: "May plano ako doon"

Halos maiyak ito nang sabihin sa kanya ni Angeline na prank lamang ang lahat ng iyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito naman ang reaksiyon at komento ng mga netizens:

Hayz kaloka talaga tong si angge,pag napagtripan ka nya gudlucktawang-tawa ako,fave na fave ko tong si angge bukod sa magaling na singer sobrang bait pa
Nakakatawa na nakakaawa yung reaction ni turang , lakas amats ni ate mo angge eh... Malalaan mag trip. kung nagtuluy tuloy pa sguro yung prank ewan ko nlng sayo turang kundi ka tlga mag palpitate galing mo te angge
Haaay kaloka ka mag paprank kay ate Irene mo hahaha buti d naihi c ate

Si Angeline Quinto ay isa sa pinaka-sikat na mang-aawit sa Pilipinas. Una siyang sumikat sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar.

Read also

Angeline Quinto, pinasalamatan si Dr. Vicki Belo sa pinagawa nito sa kitchen ni Angge

Isa din si Angeline sa mga sikat na personalidad na pumasok na sa paggawa ng YouTube videos nang magkaroon ng pandemya. Kinaaliwan ang kanyang pagiging natural na palabiro at komedyante.

Kabilang sa kanyang mga pumatok na vlogs ay ang kanyang pakikipag-collab sa Beks Battalion. Nagkaroon din siya ng video kasama si Chad Kinis.

PAALALA: Ugaliing maging magalang sa pagbabahagi ng opinyon at saloobin. Ang kalayaan sa pagpapahayag ng opinton ay may limitasyon lalo na kung nalalabag na ang karapatang pantao ng kapwa.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel