Heart Evangelista, pinakyaw ang magagandang sapatos na binenta ni Ruffa Mae Quinto

Heart Evangelista, pinakyaw ang magagandang sapatos na binenta ni Ruffa Mae Quinto

- Sa kanyang bagong vlog ay ibinahagi ni Heart Evangelista ang kanyang koleksiyon ng mga sapatos

- Hindi niya pinagkailang mahilig siya sa sapatos lalo na sa mga matatas ang takong dahil gusto niyang magmukhang matangkad

- Naibahagi niya rin na nagandahan siya sa mga koleksiyon ng sapatos ni Ruffa Mae Quinto

- Kaya naman, nang minsang magbenta ng mga sapatos si Ruffa Mae ay binili niya umano ang magagandang sapatos na binenta ng komedyante

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Heart Evangelista, isa sa local artist na alam niyang may pinakamagagandang shoe collection ay si Ruffa Mae Quinto. Kaya naman, nang minsang magbenta ito ng kanyang mga sapatos, hindi nito pinalampas ang pagkakataon at binili niya ang mga magagandang sapatos ni Ruffa Mae.

Heart Evangelista, pinakyaw ang magagandang sapatos na binenta ni Ruffa Mae Quinto
Heart Evangelista (Photo by Claudio Lavenia)
Source: Getty Images

Ayon pa kay Heart, nakahiligan niya ang sapatos na matataas ang takong dahil maliit lamang siya at nais niyang magmukhang matangkad.

Read also

Mga kaibigan ni Ethel Booba, asar-talo sa kanyang revenge prank

Kaya naman, karamihan sa kanyang mga sapatos sa kanyang koleksiyon ay mga high heels at marami din sa mga ito ay mula sa mamahaling brand ng sapatos.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang reaksiyon ng ilang mga netizens:

Heart really knows fashion. It is not about brands nor price, it is about passion that feels good; an expression of creativity and individuality. You simply can't buy class and taste! Heart has them naturally
Love how authentic you are about the stuff that you have. You are just so unapologetically you and it’s inspiring!
I love Heart's fashion philosophy. It doesn't matter if you wear the same piece over and over again.

Ikinasal si Heart Evangelista sa dating senador na si Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis. Sa kasamaang palad, parehong pumanaw ang kambal habang siya ay buntis.

Read also

Sharon Cuneta, naiyak noon kay Olivia Lamasan dahil sa 'Madrasta': "I'm so mad at you"

Kamakailan ay naibahagi ni Heart ang kanyang kasiyahan sa bagong teleserye ng GMA-7 na ipapakita ang ganda ng Sorsogon.

Marami sa kanyang mga tagasuporta ang nag-alala matapos ibahagi ng aktres ang tungkol sa pagsasailalim niya sa operasyon dahil sa tumubong cyst sa kanyang mukha.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel