Madam Kilay, kinaaliwan ng mga foreigners sa kanyang kanta-serye

Madam Kilay, kinaaliwan ng mga foreigners sa kanyang kanta-serye

- Muling nagbahagi si Madam Kilay ng video na kinaaliwan ng mga netizens

- Ginawa niyang muli ang kanyang concert sa iba't-ibang pampublikong lugar kagaya na lang sa mga kainan

- May mga napapalakpak at nag-record ng video sa kanilang mga cellphone habang kumakanta ang vlogger

- Makikita naman sa mga reaksiyon ng mga foreigners na nakakapanood sa kanya na natutuwa sila at napabilib sa husay nito sa pagpe-perform

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling nagpasabog ng good vibes at aliw si Madam Kilay sa kanyang ibinahaging part 2 ng kanyang naunang video kung saan kumanta siya sa ilang pampublikong mga lugar.

Madam Kilay, kinaaliwan ng mga foreigners sa kanyang kanta-serye
Madam Kilay (@madamkilay)
Source: Instagram

Sa kanyang part 2 ay nakasama niya ang kapatid ng kanyang boyfriend na si Michael. Tila nahiya naman ito sa atensiyon na napupunta sa kanila dahil sa paggamit ni Madam Kilay ng speaker at microphone.

Read also

Zeinab Harake, pinasaya ang mga batang may sakit bilang pasasalamat sa 11 million 'Zebbies'

Gayunpaman, karamihan sa mga taong nakakapanood sa kanyang pagkanta ay napabilib sa kanya. Habang naglalakad sa lansangan ay tuloy lang ang pagkanta niya hanggang sa nakarating sila sa kainan kung saan muli siyang kumanta.

May mga napapalakpak at nag-record ng video sa kanilang mga cellphone habang kumakanta ang vlogger. Makikita naman sa mga reaksiyon ng mga foreigners na nakakapanood sa kanya na natutuwa sila at napabilib sa husay nito sa pagpe-perform.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Panuorin ang kanyang video dito:

Unang nakilala si Madam Kilay dahil sa kanyang nakakatuwang Facebook Video kung saan iba-iba ang hugis ng kanyang kilay kaya siya tinawag bilang Madam Kilay. Si Jinky Anderson sa totoong buhay ay minsan na ring napanood sa telebisyon nang mapasali siya sa "Eat Bulaga" at iba pang TV shows.

Kahit kasalukuyang nasa Amerika, marami sa kanyang mga tagasuporta sa Pilipinas ang nasusubaybayan ang mga pangyayari sa kanya. Kamakailan ay ibinahagi ni Madam Kilay ang tungkol sa pagreklamo ng kanyang kapitbahay sa kanila ng boyfriend niyang si Michael.

Read also

Sophia Reola, ibinahaging kabado siya ngunit excited sa kanyang first day of school

Ibinahagi niya rin ang video kung saan nabagsak niya ang isang mamahaling camera.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel