Toni Gonzaga, naramdamang si Paul Soriano ang 'the one' nang makita pa lang ang picture nito

Toni Gonzaga, naramdamang si Paul Soriano ang 'the one' nang makita pa lang ang picture nito

- Masayang ibinahagi ni Toni Gonzaga ang kwento kung saan niya unang nakita ang larawan ng mister na si Paul Soriano

- Hindi pa man sila pormal na magkakilala, tiningnan na niya agad ang larawan nito sa multiply

- At nang makita niya ito, naramdaman daw niyang ito na ang lalaking kanyang mapapangasawa

- Nang sagutin na raw niya ito at naging magkasintahan na sila, nasabi muli niya sa kapatid na si Alex na si Paul na nga ang lalaking kanyang pakakasalan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ikinuwento ni Toni Gonzaga sa panayam sa kanya ni Matteo Guidicelli na naramdaman niyang si Paul Soriano na ang 'the one' para sa kanya.

Nalaman ng KAMI na hindi pa man sila pormal na nagkakakilala ng ngayo'y asawa na niya, alam niyang ito na ang lalaking pakakasalan niya.

Read also

Isko Moreno, balak magretiro sa edad na 50; "gastadong-gastado na ako"

Toni Gonzaga, naramdamang si Paul Soriano ang 'the one' nang makita pa lang ang picture nito
Toni Gonzaga (Photo credit: Pinoy Big Brother)
Source: Instagram

Ang misis ni Gary Valenciano na si Angeli ang nagsabi noon kay Toni na nais siyang makilala ng direktor na si Paul Soriano.

Ngunit bago pa man sila magkita, tiningnan na ni Toni ang 'multiply' account ni Paul kung nasaan ang larawan nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"So tiningnan ko sa multiply account. Sino kaya 'yung papakilala sa akin, young director daw. Tiningnan ko 'yung picture, tapos I will never forget this... Ay shocks! parang ito 'yung mapapangasawa ko"

At noong araw na sinagot na niya ang direktor, muli niyang nabanggit sa kapatid niyang si Alex ang kanyang nararamdaman na si Paul na nga ang lalaking nakalaan para sa kanya.

"Sinabi ko kay Alex, ano ba 'yan, ito na 'yung mapapangasawa ko, itong sinagot ko napi-feel ko na talaga," at sinagot naman siya ng kapatid na 'edi ok!'

Read also

Vlogger na si Via Austria, emosyonal na inamin ang problema sa pamilya; "naligaw ako"

Narito ang kabuuan ng panayam kay Toni mula sa YouTube channel ni Matteo Guidicelli:

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Siya ang panganay sa dalawang anak nina Taytay, Rizal, Vice-Mayor Carlito "Bonoy" at Crisanta "Pinty" Cruz Gonzaga.

Si Toni ang ate ng isa ring kilalang aktres at TV host na si Catherine "Cathy" Gonzaga o mas kilala bilang si Alex Gonzaga. Kamakailan, nakapanayam din ng YouTube content creator na si Wil Dasovich si Toni kung saan naikwento niya ang naging buhay niya sa loob ng PBB house sa sandaling panahon na pamamalagi niya roon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel