Toni Gonzaga, pinigilan si Wil Dasovich na muntik magkwento tungkol kay 'Kuya' ng PBB

Toni Gonzaga, pinigilan si Wil Dasovich na muntik magkwento tungkol kay 'Kuya' ng PBB

- Agad na napigilan ni Toni Gonzaga si Wil Dasovich nang muntik na itong magkwento tungkol kay 'Kuya' ng "Pinoy Big Brother"

- Naitanong kasi ni Wil kung nakilala na ba ni Toni ang misteryosong si 'Big Brother' ng PBB

- Matatandaang bukod sa pagiging host, sandaling naging housemate si Toni habang si Wil naman ay bahagi ng "Pinoy Big Brother: Lucky 7" noong 2016

- Sinabi rin ni Toni na ang pinakamahirap na kanyang dinanas sa pagiging isang housemate ay ang pagpapakatotoo sa sarili

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muntik nang madulas ang vlogger na si Wil Dasovich tungkol sa insidente kung kailan niya nakilala umano si 'Kuya' ng Pinoy Big Brother.

Sa pamayam ni Wil kay Toni Gonzaga sa kanyang YouTube channel na 'SuperHuman', naitanong nito sa panauhin kung nakilala na ba nito si 'Big Brother.'

Read also

BF na nakatanggap ng mamahaling motorsiklo bilang birthday gift ng GF, viral

Inamin naman ni Toni na nakilala na niya si 'Kuya' at maging si Wil na naging housemate ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016 ay sinabing nakilala na rin niya ang nasa likod ng misteryosong boses.

Toni Gonzaga, pinigilan si Wil Dasovich na muntik mag kwento tungkol kay 'Kuya' ng PBB
Photo: Toni Gonzaga (Pinoy Big Brother)
Source: Instagram

Magkikwento pa sana ito ng kanyang karanasan kung kailan umano niya ito 'nakilala' ngunit agad sumenyas si Toni at pinigilan ito.

Matatandaang bukod sa pagiging host ng programa ay naging housemate din pansumandali si Toni noong 2008.

Narito ang kabuuan ng panayam ni Wil kay Toni mula sa YouTube channel nitong 'SuperHuman':

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Siya ang panganay sa dalawang anak nina Taytay, Rizal, Vice-Mayor Carlito "Bonoy" at Crisanta "Pinty" Cruz Gonzaga.

Read also

Wil Dasovich, bumilib kay Toni G sa interview nito kina Hayden Kho at Vicki Belo

Si Toni ang ate ng isa ring kilalang aktres at TV host na si Catherine "Cathy" Gonzaga o mas kilala bilang si Alex Gonzaga. Sa unang bahagi ng panayam sa kanya ng kilalang YouTuber na si Wil Dasovich, nabanggit ni Toni na hindi pera ang dahilan kung bakit niya pinasok ang pagiging YouTube content creator.

Nakiwento rin ng kilalang Kapamilya TV host at actress na hindi siya hahadlang sakaling pasukin ng anak niyang si Seve ang showbiz dahil bilang magulang, ang nararapat umano niyang gawin ay suportahan ang bagay na nanaisin ng anak balang araw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel