Wil Dasovich, bumilib kay Toni G sa interview nito kina Hayden Kho at Vicki Belo

Wil Dasovich, bumilib kay Toni G sa interview nito kina Hayden Kho at Vicki Belo

- Aminadong bumilib ang YouTuber na si Wil Dasovich sa kung paano na-interview ni Toni Gonzaga sina Vicki Belo at Hayden Kho

- Matatandaang, isa sa mga napag-usapan nila ay ang iskandalong kinasangkutan noon ni Hayden kung saan napatawad naman siya ng Celebrity Doctor

- Ayon kay Toni, masasabing nagawa niya ang nasabing panayam dahil sa kanyang pakikinig lamang

- Mas lalong napa-wow si Wil sa iba pang ibinahagi ni Toni sa kung nagagawa nit Toni na magkaroon ng koneksyon sa kanyang mga nakakapanayam sa 'Toni Talks'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa ang YouTuber na si Wil Dasovich sa mga umaming namangha sa itinakbo ng interview ni Toni Gonzaga kina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.

Nalaman ng KAMI na na-curious umano si Wil sa kung paano nabuksan noon ni Toni ang usapan ukol sa kinasangkutang iskandalo ni Hayden.

Read also

BF na nakatanggap ng mamahaling motorsiklo bilang birthday gift ng GF, viral

Matatandaang, naging maayos at makabuluhan ang naturang interview kung saan nasabi pa ni Dra. Vicki kung paano niya napatawag ang mister na si Hayden.

Toni Gonzaga, pinabilib si Wil Dasovich sa interview niya kina Vicki Belo at Hayden Kho
Photo: Toni Gonzaga (@celestinegonzaga)
Source: Instagram

Ayon kay Toni, hindi raw niya talaga alam kung paano niya ito napagtagumpayan ngunit isang sikreto umano ay ang wastong pakikinig.

"I don't know, I don't know, I just listen to them," bungad ni Toni na agad naman sinang-ayunan ni Wil.

Ngunit mas lalong napabilib ang YouTuber nang ipaliwanag pa ito ng aktres, singer at kilalang TV host.

"Just listen cause you will get the message. I think yun 'yung key"
"And for you to be able to listen intently is for you to be 'silent'. Because sometimes, people are not really listening. They are just waiting for their turn to talk."

Ilan lamang ito sa mga nasabi ni Toni na talagang nagpa-wow kay Wil. Narito ang kabuuan ng panayam ni Wil Dasovich kay Toni Gonzaga mula sa YouTube channel niyang Wil Dasovich - SuperHuman:

Read also

Toni Gonzaga, sinabing 'di hahadlang sakaling maging artista ang anak na si Seve

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Siya ang panganay sa dalawang anak nina Taytay, Rizal, Vice-Mayor Carlito "Bonoy" at Crisanta "Pinty" Cruz Gonzaga. Si Toni ang ate ng isa ring kilalang aktres at TV host na si Catherine "Cathy" Gonzaga o mas kilala bilang si Alex Gonzaga.

Sa unang bahagi ng panayam sa kanya ng kilalang YouTuber na si Wil Dasovich, nabanggit ni Toni na hindi pera ang dahilan kung bakit niya pinasok ang pagiging YouTube content creator.

Naikwento rin ni Toni na ang kapatid niyang si Alex ang nagkumbinsi sa kanya na mag-vlog. Subalit kapansin-pansin na magkaiba ang tipo ng content ng kanilang mga video.

Noon, nais sana niyang tularan siya ng kapatid ngunit habang lumilipas ang panahon, unti-unti na niyang natatanggap na magkaiba talaga ang kanilang personalidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel