Toni Gonzaga, sinabing 'di hahadlang sakaling maging artista ang anak na si Seve

Toni Gonzaga, sinabing 'di hahadlang sakaling maging artista ang anak na si Seve

- Supportive si Toni Gonzaga sa anumang karera ang tatahakin ng kanyang anak na si Seve

- Binigyang diin niya na hindi niya maaring diktahan ang anak sa anumang gugustuhin nitong propesyon

- Naroon lamang siya at ang kanyang asawa upang mahalin at gabayan ang anak at siguruhin lamang na maayos ang karakter nito

- Iyon din daw kasi ang kanyang natutunan sa kanyang mga magulang na ginabayan at minahal siya hanggang sa marating niya ang kung ano siya sa ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naitanong ng kilalang YouTuber na si Wil Dasovich kay Toni Gonzaga kung papayagan ba nito ang anak na si Seve na mag-artista.

Nalaman ng KAMI na naging panauhin ni Wil si Toni sa kanyang YouTube channel at naitampok din niya ito sa kanyang Spotify.

Isa sa mga napag-usapan nila ay ang limang taong gulang na anak ni Toni na si Seve na nadadalas na ring mapanood ngayon sa mga TV commercials.

Read also

Kim Chiu, sinabunutan ni Bela Padilla matapos banggitin ni Kim si Zanjoe Marudo

Toni Gonzaga, sinabing 'di hahadlang sakaling maging artista ang anak na si Seve
Si Toni Gonzaga at ang anak na si Seve. (@celestinegonzaga)
Source: Instagram

Kaya naman Naitanong ni Wil kung natatakot ba umano si Toni na baka pasukin din nito ang pag-aartista balang araw at sundan ang yapak niya.

"The purpose of being a parent is to be there for your kid, love them unconditionally and support them in whatever they wanna be in life."

Binigyang diin pa niya na hindi niya maaring diktahan ang anak sa kung ano ang nanaisin nitong maging sa kanyang paglaki.

Hindi rin daw niya ito maaring pigilan na maari pang maging dahilan kung bakit siya susuwayin nito para lang malaman kung bakit siya binabawalan.

Isa ring dahilan ni Toni ay dahil ganoon siya pinalaki ng kanyang mga magulang na laging nakasuport lamang sa anumang naisin niya sa buhay, hanggang ngayon na naging matagumpay siya sa larangan na kanyang pinili.

Narito ang kabuuan ng interview mula sa YouTube channel ni Wil Dasovich- SuperHuman:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Heart Evangelista, aminadong kinilig sa tweet ni Chiz noon tungkol sa kanya

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Siya ang panganay sa dalawang anak nina Taytay, Rizal, Vice-Mayor Carlito "Bonoy" at Crisanta "Pinty" Cruz Gonzaga.

Si Toni ang ate ng isa ring kilalang aktres at TV host na si Catherine "Cathy" Gonzaga o mas kilala bilang si Alex Gonzaga. Sa unang bahagi ng panayam sa kanya ni Wil Dasovich, nabanggit ni Toni na hindi pera ang dahilan kung bakit niya pinasok ang pagiging YouTube content creator.

Naikwento rin ni Toni na ang kapatid niyang si Alex ang nagkumbinsi sa kanya na mag-vlog. Subalit kapansin-pansin na magkaiba ang tipo ng content ng kanilang mga video.

Noon, nais sana niyang tularan siya ng kapatid ngunit habang lumilipas ang panahon, unti-unti na niyang natatanggap na magkaiba talaga ang kanilang personalidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel