Heart Evangelista, aminadong kinilig sa tweet ni Chiz noon tungkol sa kanya

Heart Evangelista, aminadong kinilig sa tweet ni Chiz noon tungkol sa kanya

- Ibinahagi ni Heart Evangelista ang kanyang karanasan nang minsan niyang makasabay si Chiz Escudero sa airport noon

- Ito yung panahong hindi pa sila magkarelasyon at ayon kay Heart ay snob umano si Chiz

- Nagulat na lang siya nang isend sa kanya ang isang tweet ni Chiz kung saan sinasabi nitong nakita niya si Heart sa airport

- Marami naman ang kinilig sa ibihaging ito ni Heart sa kanyang Instagram story

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang kinilig sa ibinahaging kwento ni Heart Evangelista tungkol sa kanyang karanasan nang minsang makasabay si Chiz Escudero noon sa airport noong hindi pa sila personal na nagkakausap at magkakilala.

Heart Evangelista, ibinahagi ang karanasan nang makasabay si Chiz sa airport noon
Heart Evangelista (Photo by Claudio Lavenia)
Source: Getty Images

Ayon kay Heart, tanda niya iyon dahil snob umano si Chiz at nakaharap lamang sa kanyang laptop.

Nang kinasal na sila, mayroon umanong nagsend sa kanya ng isang screenshot ng tweet ni Chiz kung saan sinasabi niyang nakita niya sa airport si Heart.

Read also

Kim Chiu, sinabunutan ni Bela Padilla matapos banggitin ni Kim si Zanjoe Marudo

Doon napagtanto ni Heart na yung inakala niyang hindi namamansin noong araw na iyon ay nakita rin pala siya ngunit hindi lang ito nagpapahalata.

Marami ang kinilig sa kwentong ito ng mag-asawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ikinasal si Heart Evangelista kay former Senator Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis. Sa kasamaang palad, parehong pumanaw ang kambal habang siya ay buntis.

Kamakailan ay naibahagi ni Heart ang kanyang kasiyahan sa bagong teleserye ng GMA-7 na ipapakita ang ganda ng Sorsogon.

Marami sa kanyang mga tagasuporta ang nag-alala matapos ibahagi ng aktres ang tungkol sa pagsasailalim niya sa operasyon dahil sa tumubong cyst sa kanyang mukha.

Read also

Heart Evangelista, ibinahaging 23 and a half inches ang sukat ng kanyang beywang

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel