Derek Ramsay, nahirapang makakuha ng matinong picture kasama si Ellen Adarna

Derek Ramsay, nahirapang makakuha ng matinong picture kasama si Ellen Adarna

- Kinagiliwan ng kanilang mga tagahanga ang video na ibinahagi ni Ellen Adarna kung saan makikitang gustong kumuha ng litrato ni Derek Ramsay kasama siya

- Gayunpaman, napakamot na lamang ng ulo si Derek dahil imbes na ngumiti si Ellen, nag-wacky ito

- Katwiran niya kung bakit niya ginagawa iyon ay dahil pakiramdam niya ay pangit siya

- Ilang beses na sinubukan ni Derek ngunit pinipilit ni Ellen na pakiramdam niya ay pangit siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinagkatuwaan ng mga fans nina Ellen Adarna at Derek Ramsay ang ibinahaging video ni Ellen kung saan makikitang sinusubukan ni Derek na makakuha ng litrato kasama si Ellen. Gayunpaman, dahil aniya ay pakiramdam niya pangit siya, wacky pose ang ginawa ni Ellen.

Derek Ramsay, nahirapang makakuha ng matinong picture kasama si Ellen Adarna
Derek Ramsay (Photo by Gregorio B. Dantes Jr./Pacific Press/LightRocket)
Source: Getty Images

Sinabihan naman siya ni Derek na hindi siya pangit at pakiramdam niya lamang yon.

Gayunpaman, hindi nito napilit si Ellen at nagwa-wacky pose pa rin ito kapag nagtatangkang kumuha ng picture si Derek.

Read also

Tiktoker na minura si Yorme Isko Moreno, napaiyak habang humingi ng dispensa

Napakamot na lamang ng ulo si Derek dahil dito.

Sa kanyang caption, binaggit ni Ellen na "Better wacky than ugly".

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Derek Ramsay ay isa sa mga pinakahinahangaang leading man sa bansa. Bumida siya sa ilang mga pelikula kagaya na lamang ng No Other Woman at English Only, Please.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang naging pahayag ni Derek tungkol sa ex-boyfriend ni Ellen na si John Lloyd Cruz na siya ring ama ng unico hijo ni Ellen na si Elias.

Sa kabila ng pagiging masaya ng buhay-pag-ibig ng aktor, marami pa rin ang nambabatikos sa kanila ni Ellen. Gayunpaman, hindi ito inaatrasan ng dalawa at maraming beses na silang sumasagot sa mga bashers nila.

Malimit ding kinagiliwan ng mga netizens ang pagiging malapit ng anak ni Ellen sa kanyang Tito Derek.

Read also

Ina ni Marjorie Abastas, sinabing alas 3 ng madaling araw nag-umpisang magluto

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel