Jaya, naluha nang magpaalam na sa kanyang 'It's Showtime' family

Jaya, naluha nang magpaalam na sa kanyang 'It's Showtime' family

- Emosyonal si Jaya nang magpaalam na ito sa kanyang 'Tawag ng Tanghalan' family sa "It's Showtime"

- Aniya, mahirap man sa kanya na lisanin ang show ngunit umaasa siyang sa pagbubukas muli ng istasyon, ay makababalik pa rin siya roon

- Pinasalamatan niya ang lahat ng mga nakatrabaho sa "It's Showtime" na naging mga kaibigan na malalapit na sa kanyang puso

- Matatandaang, minsan nang ipinaliwanag ni Jaya sa kanyang Instagram na pangsamantala muna siyang lilipad patungong Amerika upang magpahinga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na napigilan ni Jaya ang maluha nang magpaalam na ito sa kanyang It's Showtime family.

Nalaman ng KAMI na nitong Hulyo 3, emosyonal si Jaya na nagpasalamat sa kanyang mga nakasama sa 'Tawag ng Tanghalan' sa It's Showtime kung saan nakilala siya bilang isa sa mga hurado.

Read also

Ivana Alawi, pinagkaguluhan pa rin nang magbihis bilang "Ivan Alawi"

Jaya, naluha nang magpaalam na sa kanyang 'It's Showtime' family
Photo: Jaya kasama sina Vice Ganda at Ion Perez (@Jaya)
Source: Facebook
"For me, I'm going to leave with a heavy heart but I am happy because I've had the honor, the privilege to work with very excellent host that truly accepted me and loved me"

Pinasalamatan din niya maging ang staff ng programa na talagang napalapit na sa kanya.

Naniniwala rin si Jaya hindi pa tuluyang magsasara ang ABS-CBN dahil sa dami ng tao na patuloy nitong natutulungan.

At umaasa siya na sa kanyang pagbabalik, kahit wala pa man itong kasiguraduhan ay tatanggapin pa rin siya ng istasyon.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Jaya:

Isang linggo na ang nakararaan nang maibahagi ni Jaya sa kanyang Instagram ang pansamantalang pamamahinga at ang pagpunta sa Amerika.

Kasama na rito ang pagtanggap ng ilang mga proyekto lalo na at unti-unti na umanong nagbubukas ang tanghalan doon.

Aminado siya na hindi pa niya masasabi kung kailan siya muling magbabalik sa bansa.

Nangangahulugan lamang na patuloy pa rin ang kanyang pagkanta at pagpe-perform saanmang sulok siya ng mundo naroon.

Read also

Ate Gay, inaming 'may attitude' siya; "Pero mali pala 'yon"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si María Luisa Ramsey Kagahastian-Gotidoc, o mas kilala bilang si "Jaya" ay isang Filipino soul singer, rapper, record producer at actress.

Matagal din siyang naging bahagi ng 'Tawag ng Tanghalan' sa It's Showtime kaya naman mahirap pa rin para lisanin ang programa.

Matatandaang Marso pa ng kasalukuyang taon nang ibahagi niya ang kanyang plano na lumipad sa Amerika kasama ang kanyang pamilya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel