Ivana Alawi, pinagkaguluhan pa rin nang magbihis bilang "Ivan Alawi"

Ivana Alawi, pinagkaguluhan pa rin nang magbihis bilang "Ivan Alawi"

- Naging "Ivan Alawi" si Ivana Alawi sa kanyang pinakabagong vlog

- Nagbihis at nag-astang lalaki si Ivana na naging "Ivan" sa loob ng isang araw

- Nang siya ay lumabas para mag-drive thru kasama ang kanyang pamilya, nakilala pa rin siya ng mga tao na masayang nagpa-picture pa rin sa kanya

- Samantala, natatawa na lang ang kanyang mga kapatid na sina Hash at Mona maging ang kanilang Mama Alawi sa naisipang gawin ni Ivana

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang good vibes video na naman ang ibinahagi ni Ivana Alawi sa kanyang YouTube channel nang maging "Ivan Alawi" siya sa loob ng isang araw.

Sa kanyang video, naisipang magbihis lalaki ni Ivana na naglagay pa ng mga fake tattoos para magmukhang 'bad boy.'

Ivana Alawi, pinagkaguluhan pa rin nang maging "Ivan Alawi" sa loob ng isang araw
Photo: Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Nang makita siya ng kanyang mga kapatid na sina Hash at Mona, gayundin ng kanilang Mama Alawi, natawa na lamang ito na sa naisipang gawin ni Ivana.

Read also

Mader Sitang, ibinida ang resulta ng kanyang pagpapaganda

Subalit marami pa rin ang nakakilala kay Ivana kahit nagpanggap siyang maging "Ivan."

Katunayan, nang mag-drive thru sila sa isang fast food, pinagkuguluhan pa rin si Ivana at marami pa rin ang nagpa-picture sa kanya.

Narito ang kabuuan ng nakaktuwang video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa 13.3 million ang kanyang YouTube subscribers.

Kamakailan, namahagi ng "ayuda" si Ivana sa masuswerteng 1,300 na katao at sinasabing gumastos ng Php1.3 million sa pagdiriwang niya ng pagkakaroon ng 13 million subscribers.

Labis ding kinagiliwan ng marami ang prank na ginawa sa kanya ng kanyang kapatid na si Hash Alawi kung saan napagastos siya ng Php400,000 para sa shopping ng kanilang ina na si Mama Alawi.

Read also

Yam Concepcion, engaged na sa longtime boyfriend na si Miguel Cuunjieng

Minsan ding naikwento ni Ivana sa kanyang vlog na dinanas niyang mawalan ng raket sa showbiz dahil sa komentong 'pangit' umano siya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel