Luis Manzano, hindi pinalampas ang basher na nagsabing "beki" sila ng ama niya

Luis Manzano, hindi pinalampas ang basher na nagsabing "beki" sila ng ama niya

- Hindi pinalampas ni Luis Manzano ang isang basher na nagsabing beki umano sila ng kanyang ama

- Sa komento ng nasabing netizen, sinabi niyang si Edu umano ay dalawang beses kinasal ngunit beke pala kagaya raw ni Luis ang kanyang ama

- Sinagot ni Luis ang komentong ito ng basher at hindi pinalampas ang panghahamak sa kanilang mag-ama

- Sa tindi ng bwelta ni Luiz, napabura ng kanyang komento ang nasabing basher

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napabura ng kanyang komento ang isang basher na nagkomento tungkol sa mag-amang Edu at Luis Manzano. sa isang Facebook post ng LionhearTV, sinabi nito na dalawang beses umano kinasal si Edu pero beki pala ito. Gayundin daw si Luis.

Luis Manzano, sinupalpal ang basher na nagsabing "beki" daw sila ng kanyang ama
Luis Manzano with his dad Edu Manzano (@realedumanzano)
Source: Instagram

Matapos sagutin ni Luis ang kanyang kometo, umani ng pambabatikos ang nasabing netizen at minabuti na lang nitong burahin ang kanyang comment. Gayunpaman, marami sa mga netizens ang nakapag-save ng screenshot ng kanyang komento.

Read also

Jennica Garcia, lalong gumanda at nagmukhang mas bata ayon sa mga netizens

Narito ang reaksiyon ng ilang netizens sa bwelta ni Luis:

Kung ano man orientation nila, wala naman pakialam mga tao. Bakit bet na bet nila mag out ng iba? Dahil kaya sila mismo hindi makapag out, like this basher.
Hahaha natawa din ako kay Luis. May point siya hahaha. Hay nako basher low life talaga. Talamak yang mga yan sa soc med. Kaya nga naimbento ang fake news at troll farm dahil sa mga buset na yan. Dapat diyan report agad
Go Luis. Never once thought na bakla si Luis. Personable, mabait sya sa mga interviews nya. Hindi sya garapal kung sumagot, if that makes one gay, hey, bigyan nyo Ako ng katulad ni Luis! Haha

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Luis Manzano ay isa sa pinakakilalang TV host at Game show host sa bansa. Ilan sa mga game niya ay ang Minute to Win It, Your Voice Sounds Familiar at Family Feud. Bukod sa pag ho-host, nakilala din siya sa pag-arte sa pelikula at telebisyon. Anak siya ng batikang aktres na si Vilma Santos at ng dati nitong partner na si Edu Manzano.

Read also

Kiray Celis, pinagtulak ng motor ng lalaking kanyang kasama sa vlog

Kamakailan ay inamin ni Luis na nagkahiwalay sila ni Jessy noong kasagsagan ng ECQ noong nakaraang taon.

Samantala, sarkastikong pinasalamatan ni Luis ang kanyang mga bashers kamakailan dahil updated umano ang mga ito sa galaw niya.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel