Ivana Alawi, minsan ding nawalan ng trabaho; "Wala akong naging raket kasi pangit ako"

Ivana Alawi, minsan ding nawalan ng trabaho; "Wala akong naging raket kasi pangit ako"

- Sa vlog ni Ivana Alawi na kanyang inilabas noong Hunyo 12, muli siyang nagkwento ng mga dinanas niya sa showbiz

- Dumating umano sa punto na nawalan siya ng raket dahil sa "pangit" umano siya

- Malaking bagay daw na mabuti silang napalaki ng kanilang mga magulang kaya naman talagang tulungan sila sa isa't isa

- Ngayon, isa sa mga kilala at matagumpay na content creator si Ivana na mayroon nang 13.3 million subscribers sa kanyang YouTube channel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinuwento ni Ivana Alawi na minsan na rin siyang nawalan ng trabaho dahil umano sa kanyang itsura.

Nalaman ng KAMI na nilarawan talaga ni Ivana na "pangit" ang kanyang sarili kaya umano nawalan siya noon ng mga raket.

Sa vlog na inilabas niya noong Hunyo 12, naibahagi ni Ivana na naranasan niyang mamigay ng flyer sa pagbabakasakaling magkaroon siya raket.

Read also

Rico Blanco, napakilig ang netizens sa bagong post kasama ang GF na si Maris Racal

Ivana Alawi, minsan ding nawalan ng trabaho; "Wala akong naging raket kasi pangit ako"
Photo: Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram
"Nung nawala yung aming tatay, nung hindi kami sinusuportahan, nagpa-flyering ako, nagraraket para makatulong din sa pamilya.

Subalit sa kasamaang palad, hindi siya basta nakakuha ng trabaho.

"Dumating din yung time na wala akong naging raket kasi pangit ako"

Paliwanag ni Ivana, matatangkad umano ang madalas na makuha sa mga proyekto kaya naman nailarawan niya ng hindi maganda ang kanyang sarili.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gayunpaman, malaking bagay na maayos silang napalaki ng kanilang mga magulang kaya namumutawi talaga ang pagtutulungan sa kanilang pamilya.

Nagkataon kasi na si Mona noon ang may mga proyekto kaya na siyang sumusuporta sa kanila.

"So siyempre, hindi naman pwede si Mona lang," paliwanag ni Ivana kaya naman sinikap niya talagaang suungin ang hirap ng pagpasok sa showbiz.

Ngayon, hindi lamang kilala si Ivana sa pagiging isa sa mga magagandang mukha sa showbiz. Isa na rin siya sa mga matatagumpay na content creator sa YouTube na mayroong 13.3 million subscribers na ang pangunahing motibo ay ang makatulong sa kapwang labis na nangangailangan.

Read also

Long Mejia, nagkaroon ng pitong PA noong kasagsagan ng kasikatan

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa 13.3 million ang kanyang YouTube subscribers.

Kamakailan, namahagi ng "ayuda" si Ivana sa masuswerteng 1,300 na katao at sinasabing gumastos ng Php1.3 million sa pagdiriwang niya ng pagkakaroon ng 13 million subscribers.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel