Working student na nagtinda ng isda at naging crew sa McDo, naigapang ang kolehiyo at nagtapos bilang 'cumlaude'

Working student na nagtinda ng isda at naging crew sa McDo, naigapang ang kolehiyo at nagtapos bilang 'cumlaude'

- Binahagi ni Johnel Bagares kung paano iginapang ang kanyang pag-aaral ng kolehiyo

- Hindi ikinahiya ni Johnel ang pagtitinda niya ng isda sa palengke at kalaunan at nagtrabaho naman siya bilang isang crew sa isang fast food chain

- Sulit ang lahat ng hirap at sakripisyo ni Johnel dahil nagtapos siya bilang 'cumlaude' sa kursong BS in Business Administration Major in Business Management

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa sa susi ng tagumpay ang diskarte mo sa buhay. Di kasi sapat na matalino ka lang, dapat maabilidad ka rin at alam mo dapat kung paano mo gagamitin ang iyong angking galing lalo na sa pag-abot ng iyong mga pangarap.

Gaya na lamang ni Johnel Bagares na binahagi ang kwento sa KAMI.

Dala ng kahirapan sa buhay, kinailangan niyang huminto ng dalawang taon sa pag-aaral.

Ngunit di sinayang ni Johnel ang dalawang taon na iyon sa wala lang.

Dahil maabilidad at madiskarte siya sa buhay, pinasok niya maging ang pagbebenta ng isda sa palengke at di niya ikinahiya iyon.

Gustong gusto niya talagang magkolehiyo kaya naisipan niyang maging working student.

Sa lahat ng kanyang pinagbigyan ng resume, McDonald's Divisoria ang nagtext sa kanya matapos ang tatlong linggong hintayan.

Nagkaroon ng kumpiyansa si Johnel na sa kinikitang pera, makakapag-enrol na siya sa kolehiyo.

Matinding sakripisyo ang ginawa niya na sa kabila ng pagod niya sa trabaho, sasabayan pa ito ng sandamakmak na gawain sa eskwelahan.

Dahil sa kanyang determinasyon, naitawid ni Johnel ang kolehiyo at nakapagtapos siya bilang 'cumlaude'

Narito ang kabuuan ng kwento ni Johnel na magsilbi sanang aral sa kapwa niya working student.

Sabi nga ni Johnel, "Hirap now, ginhawa later"

I've waited years para masulat ko to. Tuwang tuwa ako pag makabasa ng mga inspiring graduation stories before. I actually ended up crying, nadadala ako lagi sa story. Now, I'll grab this oppurtunity na ishare din yung story ko. I want to inspire other people like what I feel before.

Minsan lang to, kaya sulitin ko na. Stop reading now kung tamad ka magbasa.

Noong 2012 lang kami lumipat dito sa Manila. I'm a proud Bisaya! Tubong probinsya ng Zamboanga Del Sur. Di kaagad ako nakapag-aral nung andito na kami sa Manila due to financial problem. Actually, 2 years din akong stop! Pero within those 2 years, diko sinayang yun! Ayokong tambay lang ako sa bahay. Gusto ko may gagawin ako. Kasi para sakin, bawat segundo mahalaga.

At the age of 16, naging tindero ako ng sapatos sa may Cartimar Pasay. It was my 1st job dito sa Manila. Hindi ako masyadong nahirapan kasi sinanay nako ni mama sa province before. Nagtitinda ako dati ng isda after ng klase ko nung high school. Kapag weekends, nagtitinda ako sa pwesto ng tita ko. Dun kami nabubuhay, sa pagtitinda ng isda. It was then I realized na kapag magsusumikap ka, may aanihin ka.

At that time, super gusto ko na talaga mag aral. As an initiative, I have decided to be a working student. I wanted to be independent and at the same time, para mabawasan nadin yung gastusin sa bahay. Naalala ko pa dati, lagi akong nasa Tondo Church praying na sana makapagtrabaho at makapag aral ako. God never fail to answer my prayers- dininig nya yung panalangin ko!

Out of 10 resumes na pinasa ko sa mga fastfoods around Divisoria, only one employer texted me for an examination. I almost lose hope that time kasi halos 3 weeks nadin bago ako tinext. I asked God to guide me all the way, and He never fail me again. I was hired as a Service Crew / Front Counter at McDonald's 168 Mall Divisoria.

After 8 months of working in McDo, nakapag-ipon na ako. I enrolled at EARIST Manila at ayun tuloy tuloy na. Pinagsabay ko both studies at work ko sa McDo! At first, sobrang hirap pala. Pagka out mo galing sa duty, sobrang nakakapagod. Pero instead na magpahinga kana, magrereview ka muna. Acads is life eh! Minsan nakatulugan ko nalang mga notes ko. May time rin na habang naka duty ka, yung isip mo nasa lessons parin na i-exam kinabukasan. Most of the time, pag diko na talaga kaya magreview after ng duty ko, sa jeep nalang ako nagbabasa ng notes. I actually cried out secretly kasi gusto ko na bumigay. But then again, naalala ko mga pangarap ko. "Pwede magpahinga pero bawal sumuko!" Yan ang motto ng mga working students. From 1st year to 4th year college, yun lagi routine ko hanggang sa nasanay na.

Yes, I'm an achiever simula kinder, elementary at high school. Kaya nung nag college na ako, I really prioritized my acads. I also involved myself to some extra curricular activities. Gusto ko maovercome yung fear ko sa crowd. Tinry ko mag MC sa mga seminar namin sa school. At first, may mga tumatawa. Kasi nga bisaya ako! May matigas accent talaga kami. Pero deadma lang, bakit ba? Little by little, nasanay nako humarap at kumausap sa maraming tao at nag sunod sunod narin yung pag e-MC namin sa mga school activities.

Despite of all the hardships, one thing that keeps me going is my faith to God. Sa masaya at malungkot kong araw, sya lagi kong nakakasama through prayers. Pero ika nga nila, "faith without action is dead." Which means wag lang tayo puro faith! Wag nating iasa lahat sa dasal. Kelangan din natin kumilos at magsumikap.

I am posting this to inspire and challenge the youth na kagaya ko na gusto mag-aral pero walang pampa-aral. Be brave to take risks! Pwedeng pwede ka mag working student. Maraming job oppurtunities na open ngayon sa government natin na pwede mong pasukan. Wag mong hintaying lalapitan ka ng swerte, dahil kung hindi ka gagalaw, talagang nganga ka! If ever you'll get a job, pahalagahan mo. Good thing now is that free tuition na to all State Universities and Colleges (SUCs). Tanging ang passion at driving force mo nalang talaga sa pag-aaral ang kailangan. The opportunity is being serve, grab mo na. Huwag mo na sayangin!

To all working students out there, saludo po ako sa inyo! It is a living testament na dahil sa pagsusumikap natin, hindi lang tayo makakapagtapos ng pagaaral. But more than that, kaya pa nating mag excel sa mga acads at extra curricular natin. Sipag, tiyaga at pananampalataya. Yan tatlong yan ang tanging sandata natin sa laban. Gugulong pero gagraduate!

Listen to these tricky questions and try to answer them yourself. Tricky Questions: Is Tomato a Fruit? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica