Ogie, sa umano'y nauungkat na isyu nina Vice at Jessica: "feeling ko kasi wala pang closure"

Ogie, sa umano'y nauungkat na isyu nina Vice at Jessica: "feeling ko kasi wala pang closure"

- Nagbigay ng pahayag si Ogie Diaz patungkol sa umano'y nauungkat na isyu nina Vice Ganda at Jessica Soho

- Sinasabing nagsimula ito nang napapanood na ang "It's Showtime" sa GMA

- Gayunpaman, hindi na ibinahagi pa ni Ogie ang detalye kung bakit nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa

- Hiling din niyang magkapatawaran na umano ang dalawa ngunit naroon pa rin ang respeto lalo na sa desisyon ni Jessica Soho

Natalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi at Dyosa Pockoh sa bagong episode nila ng Ogie Diaz Showbiz Update ang tungkol sa umano'y nauungkat ngayon na isyu nina Vice Ganda at Jessica Soho.

Ogie, sa umano'y nauungkat na isyu nina Vice at Jessica: "feeling ko kasi wala pang closure pa yan"
Ogie, sa umano'y nauungkat na isyu nina Vice at Jessica: "feeling ko kasi wala pang closure pa yan" (Vice Ganda)
Source: Facebook

Pinaniniwalaang muli itong naalala ng mga netizens mula nang mapanood na rin sa GMA ang It's Showtime.

"Parang feeling ko kasi wala pang closure pa yan. Lalo na at yung kapatawaran mula kay Jessica ay hindi pa rin niya iginagawad o ibinibigay."

Read also

Heart Evangelista, binahagi kung paano ginagawa ang 'rich girl laugh': 'Dapat bilang

"Hindi dahil sa hindi forgiving si Jessica ha. Siguro, kailangan nating maintindihan si Jessica kung saan nanggagaling."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, minabuti ni Ogie na hindi na ibigay pa ang kabuuang detalye ng kontrobersiya sa pagitan nina Vice at Jessica.

"'Wag na nating uritatin dito kung ano ang lumabas noon sa bibig ni Vice Ganda. Patungkol kay Jessica Soho na sa totoo lang, kahit sinong makakita no'n o makapanood noon e talaga namang medyo off"
"Pero syempre, ang punto naman diyan at humihingi ng sorry si Vice ganda."
"Kaso, hindi pa handa ang puso at kalooban ni Jessica Soho. Para tanggapin yung sorry ni Vice."

Hiling niyang tuluyan nang magkapatawaran ang dalawang kilalang personalidad.

"Sana nga ano, magkapatawaran. Syempre, hindi naman tayo para madaliin si Jessica ano, siya naman 'yan. Puso niya 'yan e"

Read also

Ogie D, sa komento ng kaibigan sa pares ni Diwata: "di raw kasundo ng kanyang panlasa"

Narito ang kabuuan ng kanilang naging talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kamakailan, pinakatutukan ang pagbubukas ng It's Showtime sa GMA. Naroong tinawag ni Vice Ganda na 'Madlang Kapuso' ang kanilang mga manonood.

Matatandaang sa signing of contract ng mga GMA at ABS-CBN bosses, naging emosyonal ang mga It's Showtime host na umano'y gumawa ng kasaysayan sa telebisyon sa pagsasanib pwersa ng dalawang malaking istasyon sa bansa. Simula noong Abril 6, mapapanood na rin sa GMA free tv ang It's Showtime, mula Lunes hanggang Biyernes sa oras ng pananghalian ng mga 'madlang Kapuso.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel