Heart Evangelista, binahagi kung paano ginagawa ang 'rich girl laugh': "Dapat bilang"

Heart Evangelista, binahagi kung paano ginagawa ang 'rich girl laugh': "Dapat bilang"

- Kinaaliwan si Heart Evangelista sa kanyang TikTok video kung saan tinuro niya kung paano gawin ang 'rich girl laugh'

- Paglilinaw niya hindi naman niya sinasabing rich siya pero kung gusto daw magpanggap ng madali lang ang gagawin

- Ani Heart, dapat bilang lang ang tawa sabay pinakita niya kung paano ito gawin

- Hirit pa niya, in just less than 5 steps ay magagawa na ang 'rich girl laugh'

Sa isang nakakatuwang TikTok video, ibinahagi ni Heart Evangelista ang aniya'y sikreto kung paano gawin ang 'rich girl laugh', na agad na kinaaliwan ng netizens.

Heart Evangelista, binahagi kung paano ginagawa ang 'rich girl laugh': "Dapat bilang"
Heart Evangelista, binahagi kung paano ginagawa ang 'rich girl laugh': "Dapat bilang"
Source: TikTok

Sa nasabing video, isang netizen ang nagtanong sa kanya kung paano ito gawin. Nilinaw niyang hindi niya sinasabing siya ay mayaman.

Ayon kay Heart, ang sikreto sa pagkakaroon ng 'rich girl laugh' ay dapat bilang lang ang tawa. Dagdag pa niya, sa loob lamang ng hindi aabot sa limang hakbang ay maaari nang magawa ito.

Read also

"Vice Ganda sa aniya'y matandang tsismosa: "Sinungaling ‘yang matandang ‘yan”

Ang kanyang pagpapakita ng kanyang sense of humor at kahusayan sa pag-arte ay nagbigay ng aliw at inspirasyon sa kanyang mga tagahanga. Ang pagbahagi ni Heart ng ganitong uri ng content ay nagpapakita rin ng kanyang kagustuhang magbigay ng ligaya at aliw sa pamamagitan ng mga binahagi niya sa social media.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ikinasal si Heart Evangelista kay Sen. Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Read also

Yasmien Kurdi, dismayado matapos tanggalin ang kanilang gender reveal post

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan. Aniya, kung bibilangin ay malaki din ang ginagastos niya para sa kanyang accommodation sa tuwing pumupunta siya sa Paris. Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel