Ogie D, sa komento ng kaibigan sa pares ni Diwata: "di raw kasundo ng kanyang panlasa"

Ogie D, sa komento ng kaibigan sa pares ni Diwata: "di raw kasundo ng kanyang panlasa"

- Ibinahagi ni Ogie Diaz ang umano'y komento ng kanyang kaibigan na nakakain na sa Diwata Pares Overload

- Nilarawan daw ito na 'hindi kasundo ng kanyang panlasa'

- Ito ay dahil sa maari namang masarap para sa iba subalit hindi lang kasundo ng panlasa ng kanyang kaibigan

- Gayunpaman, sinabi niyang natutuwa siya sa kwento ng buhay ni Diwata at hiling niyang magtagumpay pa lalo ang negosyo nito

Sa bagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, naikwento ni Ogie Diaz ang komento ng kanyang kaibigan na nakakain na sa Diwata Pares Overload.

Ogie D, sa komento ng kaibigan sa pares ni Diwata: "di raw kasundo ng kanyang panlasa"
Ogie D, sa komento ng kaibigan sa pares ni Diwata: "di raw kasundo ng kanyang panlasa"
Source: Youtube

Ito ay dahil sa kilalang dinudumog at pinipilahan ang paresan na ito ni Diwata lalo na at kabi-kabilang mga vloggers na ang nakapag-feature dito.

"So tinanong ko yung kaibigan ko na kumain do'n. Ang sabi ng friend ko, hindi raw kasundo ng kanyang panlasa"

"Kasi baka naman kasundo ng panlasa ng iba," paliwanag ni Ogie na natutunan naman daw niya sa isa pa niyang kaibigang si Enchong Dee sa kung paano magbigay puna sa isang pagkain.

Read also

Diwata, nagreact sa komento ni Ogie Diaz kaugnay sa kanyang pagkain

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, isa umano itong paalala kay Diwata at mainam na maiparating sa kanya upang lalo pang sarapan ang kanyang inihahaing mga pagkain.

"Pero siguro, maganda sigurong sinasabi natin ito para at least, aware si Diwata na pasarapin pang lalo ang kanyang pares lalo na at bonggang bongga na siya noh?"

Hiling din ni Ogie ang patuloy na pag-usbong ng negosyo ni Diwata lalo na nagsisilbing inspirasyon ito sa iba pang miyembro ng LGBTQ.

"Sana hindi ito hype lang. Sana magtuloy-tuloy ang negosyo. At the end of the day, masarap pa ring makakita ng mga kapatid nating LGBTQ na nagiging matagumpay at hindi nagbibisyo-bisyo."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube:

Si Deo Jarito Balbuena na kilala bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares Overload. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga naging customer at bumabalik-balik sa kanyang kainan.

Read also

Diwata Pares Overload, magbubukas umano ng mga branch sa Luzon, Visayas at Mindanao

Matatandaang nagbigay ng mensahe si Diwata sa kanyang mga bashers na nagsasabi ng hindi kagandahang mga salita tungkol sa kanya at sa kanyang negosyo. Aniya, hindi madumi ang pagkaing kanyang inihahanda at ang madumi ay ang ugali ng mga bashers na ito. Tinuligsa niya ang kanilang mga saloobin at hinikayat silang linilisin ang ugali ng mga ito. Aniya simple lang ang kanyang layunin at ito ay ang makabangon sa kahirapan.

Kamakailan, matatandaang napanood na si Diwata sa FPJ Batang Quiapo. Sa panayam sa kanya ni Julius Babao, nabanggit ni Diwata na muli pa rin siyang mapapanood sa serye subalit hindi na siya nagbigay ng iba pang mga detalye.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel