Kiray Celis, sinorpresa ang kanyang mama sa ika-56 na kaarawan nito

Kiray Celis, sinorpresa ang kanyang mama sa ika-56 na kaarawan nito

- Muling pinatunayan ni Kiray Celis ang kanyang pagmamahal at pagbibigay halaga sa kanyang mga magulang

- Sa pagdiriwang ng ika-56 na kaarawan ng kanyang ina, 56,000 ang binigay na pera ng Kapuso star sa kanyang pinakamamahal na mama

- Dinala niya rin ang kanyang pamilya sa isang resort na malapit lang sa kanila upang ipagpatuloy ang kanilang pagdiriwang

- Ani Kiray, sinisigurado niyang mapadama niya sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang mga magulang na mahal niya ang mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi maitago sa mukha ng mama ni Kiray Celis ang kanyang galak sa inihandang sorpresa sa kanya ng anak. Sa pagdiriwang ng kanyang ika-56 na kaarawan ay 56,000 din ang perang nilagay ni Kiray sa kanyang sorpresa sa kanyang mama.

Kiray Celis, sinorpresa ang kanyang mama sa ika-56 na kaarawan nito
Kiray Celis (@kiraycelis)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Carla Abellana, sumahod noon ng mas mababa sa sweldo ng kanilang family driver

Matapos ibigay ang kanyang regalong cash, dinala niya rin ang buong pamilya niya sa isang resort na malapit lang din umano sa kanila. Hindi lang ang kanyang ina ang natuwa kundi maging ang mga bata sa kanilang pamilya na naglaro sa pool.

Ani Kiray, sinisigurado niyang maipadama niya palagi sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa kanyang mga magulang na aniya ay tumatanda na rin kung gaano niya kamahal ang mga ito.

56k dahil 56 years old na si mama! Kabog tong lechon money pulling! Kita niyo mukha ng papa ko?! Walang kainggit inggit sa katawan yan. HAHAHAHAHA!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Kiray Celis ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang manalo siya sa Muntíng Miss U ng MTB. Naging bahagi siya ng "Goin' Bulilit" at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng "Mara Clara", "Luv U" at "Growing up".

Read also

Bianca King, isinapubliko ang tungkol sa kanyang pagpapakasal

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kilala si Kiray sa kanyang pagiging mapagmahal sa kanyang pamilya. Matatandaang nag-viral din ang kanyang regalo para sa kanyang mga magulang noong Valentines Day.

Sinorpresa nya rin ang kanyang kapatid sa kaarawan nito ng bagong PS5.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel