Carla Abellana, sumahod noon ng mas mababa sa sweldo ng kanilang family driver

Carla Abellana, sumahod noon ng mas mababa sa sweldo ng kanilang family driver

- Ibinahagi ni Carla Abellana ang ilang mga trivia tungkol sa kanya na hindi pa alam ng karamihan

- Kabilang na dito ang kanyang naging buhay bago pa niya pasukin ang mundo ng showbiz

- Ayon kay Carla, sa kanyang naging unang trabaho sa corporate world, mas mababa pa sa pasahod nila sa driver nila noon ang naging sahod niya

- Sinabi niya na lang umano sa kanyang sarili na tataas din ang kanyang sahod at matapos ang isang taon ay tumaas naman umano kahit papaano ang kanyang sahod

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang vlog, ibinahagi ng Kapuso star na si Carla Abellana ang ilang mga bagay tungkol sa kanya na hindi pa alam ng karamihan. Kabilang sa kanyang ibinahagi ay ang naging trabaho niya bago pa man siya nag-artista.

Carla Abellana, sumahod ng mas mababa pa sa sweldo ng kanilang family driver
Carla Abellana (@carlaangeline)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Jelai Andres, desidido nang ipawalang-bisa ang kasal nila ni Jon Gutierrez

Ani Carla, sumahod siya sa unang corporate job niya ng 11,000 na aniya ay mas mababa pa sa binibigay nilang sahod sa kanilang family driver.

Gayunpaman, sinabi umano niya sa sarili niyang ituloy lang ang pagtatrabaho dahil tataas din naman iyon. Matapos nga ang isang taon ay nadagdagan naman ang kanyang sahod.

Naikwento niya rin na tatlong taon siyang hindi kumain ng kanin. Ito ay noong siya ay nasa kolehiyo.

Wala naman umanong partikular na dahilan kung bakit niya iyon ginawa ngunit nakayanan niya umanong iwasan ang kahit na anong kanin sa loob ng tatlong taon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Carla Abellana ay isang aktres, product endorser at commercial model. Anak siya ng aktor na si ‎Rey "PJ" Abellana‎.

Kamakailan lang ay inamin ni Carla na hindi sila laging sweet ng nobyong si Tom Rodriguez. Matatandaang nagsama na ang dalawa sa isang bubong simula nang magkaroon ng pandemya.

Read also

Lai Austria, sinabing talagang mabait si Toni Fowler at nasaktan lamang daw ito

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Masaya umano si Carla na tumira si Tom sa bahay niya dahil wala siyang kasama dahil matapos ang pagpapatupad ng mga lockdown ay wala siyang kasama dahil nagsiuwian sa kani-kanilang pamilya ang mga kasama niya sa bahay.

Sinagot din ni Carla ang katanungan kung kailan sila ikakasal.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel