Bianca King, isinapubliko ang tungkol sa kanyang pagpapakasal

Bianca King, isinapubliko ang tungkol sa kanyang pagpapakasal

- Masayang ibinahagi ni Bianca King sa mga netizens ang isang mahalagang pangyayari sa kanya

- Ikinasal na siya sa mismong living room ng bahay nila sa Australia kung saan siya kasalukuyang nanirahan

- Matatandaang noong buwan ng Agosto ng nakaraang taon nang isapubliko ni Bianca ang tungkol sa kanyang pangingibang bansa

- Bumuhos naman ang pagbati sa aktres mula sa mga netizens a sa kanyang kasamahan sa showbiz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bumuhos ang pagbati para sa aktres na si Bianca King matapos niyang ibahagi sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ang tungkol sa kanyang pagpapakasal.

Ibinahagi niya ang picture ng kanyang napangasawa ngunit nakatalikod ito sa camera.

Bianca King, isinapubliko ang tungkol sa kanyang pagpapakasal
Bianca King (@bianca_king)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi naman niya pinangalanan ang kanyang napangasawa ngunit ang huling napabalitang karelasyon niya ay si Ralph Wintle na kapatid ng asawa ni Iza Calzado na si Ben Wintle.

Read also

Jelai Andres, desidido nang ipawalang-bisa ang kasal nila ni Jon Gutierrez

Binati siya ni Iza at tinawag na Mrs. Wintle.

Ibinahagi ni Bianca na ikinasal sila sa kanilang sariling living room. Matatandaang noong buwan ng Agosto ng nakaraang taon nang isapubliko ni Bianca ang tungkol sa kanyang pangingibang bansa at kasalukuyan siyang naninirahan sa Sidney, Autralia.

“Married in our living room.”

Bumuhos ang pagbati sa kanya hindi lamang mula sa mga netizens kundi pati mula sa kasamahan niya sa showbiz kagaya nina Mariel Padilla, Maxene Magalona, Jackielou Blanco, Annette Gozon-Valdes, at IC Mendoza.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Bianca King ay isang aktres na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga teleseryeng Sinner or Saint (2011), Mulawin (2004), Luna Blanca (2012) at Maghihintay Pa Rin.

Napanood din siya sa Kapamilya teleseryeng Pusong Ligaw at Halik.

Read also

Nag-viral na 17-anyos na nakapagpatayo na ng bahay, may sariling tindahan na rin

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa si Bianca sa mga taong unang nakaalam tungkol sa pagbubuntis noon ni Sofia Andres na hindi kaagad nito pinaalam sa publiko. Nilinaw naman ni Bianca ang kanyang dahilan kung bakit minabuti niyang huwag magsalita tungkol dito.

Kamakailan, ibinahagi ni Bianca ang kanyang pangingibang-bansa at pagpapahinga mula sa showbiz.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel