Rica Peralejo, pinasilip ang bahay na lilipatan nila ng kanyang pamilya

Rica Peralejo, pinasilip ang bahay na lilipatan nila ng kanyang pamilya

- Ibinahagi ni Rica Peralejo sa kanyang mga YouTube viewers ang kanilang bahay na lilipatan

- Nilinaw niyang hindi pa nila bibilhin ang bahay ngunit mangungupahan muna sila para malaman kung gugustuhin niyang bilhin iyon para sa kanilang pamilya

- Binalikan din ng aktres ang lahat ng bahay na kanyang natirhan simula noong siya ay bata pa lang

- Napagpasyaha nilang lumipat ng bahay dahil sa Sta. Rosa, Laguna na magsisilbi bilang pastor ang kanyang asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinakita ni Rica Peralejo ang bagong bahay na lilipatan nila ng kanyang pamilya. Wala pa itong laman ngunit, ibinahagi niya ang isang house tour sa bagong bahay na titirhan nila.

Nilinaw niya rin na hindi pa muna nila bibilhin iyon dahil susubukan muna nilang mangupahan at titingnan muna nila kung magugustuhan nilang manirahan ng pangmatagalan doon.

Read also

Carla Abellana, sumahod noon ng mas mababa sa sweldo ng kanilang family driver

Rica Peralejo, pinasilip ang bahay na lilipatan nila ng kanyang pamilya
Photo from Rica Peralejo (@ricaperalejo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ibinahagi niyang kaya sila lilipat ng bahay ay dahil sa pagpapastor ng kanyang asawa. Sa kanilang Sta. Rosa church magsisilbi ang mister niya bilang pastor at napagpasyahan nilang maghanap ng bahay na malapit sa lugar kung saan magpapastor ang asawa niya.

Nagbalik-tanaw din si Rica sa mga bahay na kanyang tinirhan simula noong bata pa lamang siya hanggang sa nagkaroon na siya ng sarili niyang bahay. Pinakita niya rin ang mga bahay na ito sa kanyang vlog.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nagsimula si Rica Peralejo sa pag-aartista sa pamamagitan ng Ang TV. Naging bahagi din siya ng Gimik at Oka Tokat, Mula sa Puso, Marinella, Kay Tagal Kang Hinintay, Sineserye Presents: Palimos ng Pag-ibig, Sa Piling Mo at Pangarap na Bituin.

Read also

Bianca King, isinapubliko ang tungkol sa kanyang pagpapakasal

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Iniwan ni Rica ang pag-aartista upang matutukan ang kanyang pamilya. Biniyayaan sila ng kanyang asawang si pastor Joseph Bonifacio ng dalawang anak na lalaki.

Kamakailan ay inamin ni Rica na hindi original ang bag na kanyang ginagamit. Dahil dito ay umani ng pambabatikos ang dating aktres.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel