Batang nag-aararo na umantig sa puso ng marami, muling kinumusta ng KMJS
- Muling kinumusta ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang batang si Reymark matapos nilang maisa-ere ang kwento nito
- Dinagsa kasi ng tulong si Reymark mula nang mapanood sa KMJS ang nakakantig ng pusong buhay nito
- Bukod sa mga groceries at tulong pinansyal, nakatanggap din ng kabayo ang batang si Reymark
- Ang lalong nakamamangha kay Reymark, hiniling naman niya na sana'y wala nang batang tulad niya na kailangang magtrabaho pa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang linggo matapos umantig sa puso ng marami ang kwento ng batang si Reymark Mariano ay muli itong kinumusta ng programang 'Kapuso Mo, Jessica Soho.'
Matatandaang si Reymark ang sampung taong gulang na batang nagsasaka at nag-aararo para makatulong sa kanyang pamilya.
Dahil marami ang nakapanood at humanga sa buhay na kinahaharap ni Reymark, dinagsa ng tulong ang bata gayundin ang kanyang pamilya.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Marami ang nagpadala sa kanya ng grocery items, ilang sakong bigas at ilan pa sa mga pangunahing pangangailangan nila.
Bukod pa sa tulong pinansyal, nakatanggap din ng bagong kabayo si Reymark. Nabanggit kasi sa programang KMJS na matanda na umano ang ginagamit na kabayo ni Reymark sa kanyang pag-aararo.
Sa mga larawang naibahagi sa social media, napalitan na ng matatamis na ngiti ang noo'y lumuluhang mukha ng bata.
Subalit sa kabila ng kanyang tinatamasang biyaya, lalo siyang hinangaan nang hilingin naman niya na sana'y wala nang batang tulad niya na kailangan pang magtrabaho sa murang edad.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Isa rin sa mga sinubaybayang kwento sa Kapuso Mo, Jessica Soho ay ang tungkol sa 'baby switching' na naganap sa pamilya Mulleno at Sifiata.
Enero 31 nang isa-ere ng KMJS ang kwento ng hinihinala pa noong napalitang sanggol sa ospital. Marami ang naalarma at nabahala sa kwentong ito sa pag-aakalang sa pelikula lamang o teleserye nangyayari ang ganitong sitwasyon.
Umabot sa part 5 ang episode na ito ng KMJS kaya naman marami ang natuwa at "happy ending" naman ang kinahinatnan ng dalawang sanggol sa dalawang pamilya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh