Raffy Tulfo, napasabak sa isang TikTok dance video ng RTIA

Raffy Tulfo, napasabak sa isang TikTok dance video ng RTIA

- Viral ngayon ang video ni Raffy Tulfo na todo hatawa sa kanyang TikTok dance video

- Kasama ang kanyang Raffy Tulfo in Action team sumayaw sila sa saliw ng "Ever After - EK Beach Mix ni Bonnie Bailey"

- Marami ang natuwa sa kanilang Idol Raffy dahil talagang nakasasabay ito sa bawat steps ng sayaw

- Katunayan, mayroon na itong 336.7K likes sa 'Raffy Tulfo in Action' TikTok page

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Enjoy na enjoy ang "Hari ng Public Service" na si Raffy Tulfo sa kanyang TikTok Dance video.

Nalaman ng KAMI na napasabak ito sa sayawan kasama ang kanyang 'Raffy Tulfo in Action' team bilang kanyang mga back-up dancers.

Raffy Tulfo, napasabak sa isang TikTok dance video ng RTIA
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Lalong dumami ang namangha sa kanilang 'Idol Raffy' na talagang nakakasabay sa bawat steps sa saliw ng "Ever After - EK Beach Mix ni Bonnie Bailey."

Read also

Bilao, ipinagbibili sa halagang $299 sa Amerika bilang wall decor

Game na game si Tulfo sa paghataw sa set ng News 5 Alerts.

Umabot na sa 336.7K likes ang TikTok video na ito ni Tulfo na labis na kinagiliwan ng netizens.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"'Yan chill-chill din 'pag may time Idol Raffy!"
"Awat muna sa mga sumbong si Idol Raffy, hataw muna sa kanyang TikTok dance"
"Nice sir Raffy! Tama po yan, sayaw sayaw din pag may time para makarelax ka naman sa mga sumbong sa'yo"
"'Yun o! Bagets na bagets si sir. Mukhang sa TikTok naman siya magkakaroon ng 20 million subscribers"
"Mukhang nag-enjoy din si Sir Raffy, more videos pa po Idol!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Read also

Heart Evangelista, sinopla ang nagsabing parang edited ang slim figure niya

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.3 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Bukod sa agarang pag-aksyon sa mga sumbong sa kanya ng mga naaapi nating mga kababayan, kilala rin si "Idol Raffy" sa pagtulong at pagbibigay pag-asa sa kapwa nating higit na nangangailangan.

Kamakailan ay natulungan nitong madugtungan ang buhay ng isang batang may kakaibang karamdaman dahil ang bayad sa isang bag mula sa Idol Shopping Network ay binigay niyang buo sa pamilya ng bata para sa pagpapagamot nito at iba pa nilang mga pangangailangan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel