Vice Ganda, ipinakita ang "unkabogable costume" na hawig sa NatCo ni Rabiya Mateo

Vice Ganda, ipinakita ang "unkabogable costume" na hawig sa NatCo ni Rabiya Mateo

- Ibinahagi ni Vice Ganda ang kanyang "unkabogable costume" na hawig sa National Costume ni Rabiya Mateo para sa 69th Miss Universe

- Tulad nang kay Rabiya, mapapansing dominante ang kulay na asul, pula at ginto

- Pati rin ang kanyang footwear ay hindi rin nalalayo sa suot ng pambato ng Pilipinas sa katatapos lang na Miss Universe

- Mapapansing naisuot ito ni Vice sa isa sa kanyang mga pagtatanghal bago pa man ganapin ang Miss Universe

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naaliw ang maraming netizens nang ipakita ni Vice Ganda ang kanyang "unkabogable costume" na hawig ang sa National costume ng pambato ng Pilipinas sa 69th Miss Universe pageant na si Rabiya Mateo.

Nalaman ng KAMI na kapansin-pansin ang malaking pagkakatulad ng suot ni Vice sa isa sa kanyang mga shows bago pa man ganapin ang katatapos lamang na Miss Universe.

Read also

Kakai Bautista, bumuwelta sa mga taong "panget" ang tingin sa kanya

Vice Ganda, ipinakita ang "unkabogable costume" na hawig sa NatCo ni Rabiya Mateo
Photo: Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Vice ang kanyang larawan na may caption na "Ahhhh ehhhhhh!!!! Eto yun o!!!!"

Tulad ng kontrobersyal na suot ni Rabiya, makikitang dominante ang kulay na asul, pula at ginto na mga kulay na makikita sa watawat ng Pilipinas.

Natuwa ang mga followers ni Vice sa IG dahil pang-Miss Universe na raw talaga ang awra ng kanilang "Meme" noon pa man.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ay bongga meme! pang-Miss Universe pala ang costume mo!"
"Oo nga, halos parehas nga unkabogable ka nga talaga Meme"
"Wow, ang ganda ha! complete with the headdress pa pahk na pahk"
"Love it! pang- Miss U rin ang peg mo Meme"
"Gorgeous as ever! ang ganda pang-national costume nga naman!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Video ng groom na napasagot ng "kuya" sa pari, kinagiliwan ng netizens

Si Vice Ganda ay isang sikat na aktor, comedian, television host, at recording artist sa Pilipinas. Kabilang sa kanyang mga popular na pelikula ay ang “Praybeyt Benjamin."

Isa si Vice sa mga local celebrities na nagparamdam ng kanilang suporta kay Rabiya Mateo sa laban nito sa 69th Miss Universe na ginanap sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino - Hollywood, Florida.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matapos kasi ang National Costume presentation sa Miss Universe preliminaries ay nakapag-live si Rabiya para humingi ng dispensa at pakiramdam niya'y na-disapooint niya ang maraming Pinoy dahil sa mga pagkukulang sa kanyang kasuotan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel