Video ng groom na napasagot ng "kuya" sa pari, kinagiliwan ng netizens

Video ng groom na napasagot ng "kuya" sa pari, kinagiliwan ng netizens

- Viral ngayon ang video ng isang groom kung saan natawag niyang "kuya" ang pari

- Mismong ang pari na nagkasal ang nagbahagi ng nakakatuwang video

- Marami ang nagsasabing maaring kapatid nga talaga ng groom o ng bride ang pari kaya naman natawag itong kuya

- Umabot na sa 26,000 ang mga positibong reaksyon ng video at mayroon na rin itong 410k na views

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinagiliwan online ang maiksing video ng kasal kung saan natawag ng groom ang pari na "kuya".

Mismong ang pari na si Warren Francis Puno ng Dolores, Quezon ang nagbahagi ng video na nagpasaya sa maraming netizens.

Sa video, imbis na "opo father" ang maisagot ng groom na si Leonard Andrew, "Opo kuya" ang naisagot nito.

Video ng groom na napasagot ng "kuya" sa pari, kinagiliwan ng netizens
Photo from Warren Francis Puno
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Read also

Online seller, aksidenteng naipadala ang larawan ni Cardo Dalisay sa customer

Marami tuloy netizens ang naaliw sa eksena na ito ng kasalan at sinabing baka nga naman kapatid ng pari ang groom o di kaya naman ay ng bride.

Subalit sa mismong FB Page ng pari mapapansing na kasama sa kanyang pangalan ang (Kuya Warren) kaya marahil napatawag ng "kuya" ang groom gayong ito ang tawag madalas sa pari.

Dahil dito, umani ng nasa 26,000 na positibong reaksyon ang naturang video na mayroon na ring 410,000 views na.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay nag-viral din ang kasalan kung saan muntik nang maikasal sa iba ang groom dahil sa maling direksyon na naituro sa kanila ng GPS.

Nag-viral ang isang kakaibang wedding proposal kung saan lima ang engagement ring na inihanda ng nobyo na pagpipilian ng kanyang soon-to-be bride. Matapos na makapili ng isa, isinuot pa rin ng nobya ang iba pang singsing na lahat talaga ay nagustuhan niya.

Read also

Imbis na katakutan; Video ng poso na kusang naglalabas ng tubig, kinagiliwan ng netizens

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Dahil tila wala pang kasiguraduhan ang pagtatapos ng pandemya, ilan talaga sa mga magkakasintahan ay itinutuloy pa rin ang kanilang pag-iisang dibdib kahit gaano pa man ito kasimple o kaiba sa kanilang pinag-planuhan. Sumunod pa rin sila sa mga safety protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel