Gimik ng 1 community pantry, alay para sa mga nanay at buntis

Gimik ng 1 community pantry, alay para sa mga nanay at buntis

- Isang community pantry sa Laguna ang nag-alay ng tulong para sa mga buntis

- Kumpleto ito mula sa diapers, wipes, feeding bottles at iba pang kailangan ng sanggol

- Pumatok ito sa mga nanay at mom-to-be lalo na ngayong ipinagdiwang ang Mother's Day

- Marami ang hirap ngayong pandemya kaya naman malaki itong tulong para sa mga magiging magulang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang community pantry sa Laguna ang nag-alay ng tulong para sa mga buntis ngayong pandemya.

Batay sa Facebook post ng netizen na si Michael Alcantara Baral, kumpleto ang nasabing "Buntis community pantry" ng Bantay sa Bayan ni Maria.

Sa ilang larawan na ibinahagi ng netizen, makikitang kumpleto mula sa diapers, baby oil, feeding bottles, wet wipes at iba pang mga gamit ng sanggol.

Gimik ng 1 community pantry, alay para sa mga nanay at buntis
Photo: Buntis community pantry in Laguna (Michael Alcantara Baral)
Source: Facebook

Sakto ito lalo na ngayong ipinagdiwang natin ang Araw ng mga Nanay.

Read also

Guro sa Aurora, pumanaw ilang oras lang matapos tuklawin ng cobra sa classroom

Siyempre pa, pumatok ito sa mga mom-to-be na nakipila sa community pantry. Ang iba naman, pinapila na lang ang kanilang mga mister lalo pa at ipinapayong huwag munang lumabas ang mga buntis para makaiwas sa COVID-19 virus.

Ang kakaibang gimik na ito, hinangaan ng marami lalo pa at marami ang hirap ngayong pandemya.

"Wow sana may paganto din sa lugar nmin galing nmn nkaisip neto."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Wow congrats po ang galing ng naisip nyo malaking tulong po yan sa mga mommy at soon to be mommy keep up the good work po God bless."

"sana may makaisip nito sa atin."

"Saludo sa nakaisip at nagsagawa ng proyekto na to... Sa sponsor din... Godbless."

Ang ideyang ito ay hango sa Maginhawa community pantry sa Quezon City. Simple lang ang konsepto, magbigay ayon sa kakayahan at kumuha batay sa pangangailangan.

Read also

Babae sa Mali, nagluwal ng 9 na sanggol nang sabay-sabay

Marami ang humanga rito na sinimulan ni Ana Patricia Non na sinundan na rin ng marami. At nito lang mga nakaraang linggo ay sunod-sunod na nagsulputan ang mga community pantry sa bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, naging kontrobersiyal naman ang community pantry na itinayo ng aktres na si Angel Locsin para ipagdiwang ang kanyang kaarawan noong Abril.

Libo-libo kasi ang dumalo roon at hindi na ito nakontrol pa. Marami ang hindi na nakasunod pa sa safety protocols. Agad namang humingi ng paumanhin si Angel dahil sa gulo.

Kamakailan lang ay naiulat na tinatayang nasa 10,000 tao na dumalo sa community pantry ng aktres kinakailangang i-contact trace ng local government unit ng Quezon City.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone