Guro sa Aurora, pumanaw ilang oras lang matapos tuklawin ng cobra sa classroom

Guro sa Aurora, pumanaw ilang oras lang matapos tuklawin ng cobra sa classroom

- Patay ang isang guro sa Aurora, matapos itong matuklaw ng isang cobra

- Ayon sa kaanak ng nasawi, sa loob ng classroom pa mismo ito natuklaw

- Naisugod pa raw ang guro sa ospital ngunit nasawi rin kinalaunan

- Giit ng kapatid nito, nailigtas pa sana ang guro kung mayroong anti-venom sa mga ospital doon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Patay ang isang guro sa San Luis sa lalawigan ng Aurora matapos itong matuklaw ng isang Philippine cobra sa loob mismo ng isang classroom.

Batay sa report ng Balitang Amianan ng GMA News, nakilala ang nasawing guro na si Rizza Laureano, 49-anyos at isang elementary school teacher.

Ayon sa kapatid nito na si Michelle Donato, palabas ito sa isang palikuran nang matuklaw ng ahas.

Guro sa Aurora, pumanaw ilang oras lang matapos kagatin ng cobra sa classroom
Photo: Philippine cobra (Wikipedia)
Source: UGC

"Nag-CR lang siya, sir. Paglabas niya ng CR mayroon cabinet na katabi. Ngayon hinawi niya ang kurtina, yung kamay niya na pinaghawi niya ng kurtina, doon siya natuklaw ng ahas," anito.

Read also

Babae sa Mali, nagluwal ng 9 na sanggol nang sabay-sabay

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Agad naman daw naisugod sa ospital si Laureano ngunit nasawi rin pagkatapos ng tatlong oras.

"Nakakalungkot, sir, dinala siya ng hospital, may private at public hospital kami rito pero ni isa walang anti-venom," ayon sa pahayag ni Donato.

Batay sa ulat, wala pang pahayag ang mga ospital sa lugar tungkol dito.

Ayon sa isang doktor na nakapanayam ng programa, maaaring mamatay ang isang taong natuklaw ng isang cobra kapag hindi ito agad na maagapan.

"Ang kanya pong venom ay nagko-cause ng mga paralysis sa ating katawan at maaarin pong mag-cause itong paralysis na 'to ng paghina ng paghinga and maaapektuhan 'yung daloy ng hangin sa katawan natin," ayon kay Dr. Anna De Guzman, Pangasinan Provincial Health officer.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Vice Ganda, nagpatutsada sa pagkawala sa ere ng ABS-CBN pagkalipas ng 1 taon

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, sa isa pang report ng KAMI, isang lalaki naman na tinuklaw ng isang ahas ang nagawa pang gumanti at pinagkakagat din ito.

Isang ahas naman ang hindi sinasadyang nalabhan sa isang washing machine matapos itong makapasok doon!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone