Babae sa Mali, nagluwal ng 9 na sanggol nang sabay-sabay

Babae sa Mali, nagluwal ng 9 na sanggol nang sabay-sabay

- Isang babae sa bansang Mali ang nagluwal ng siyam na sanggol nang sabay-sabay

- Batay sa reports, limang babae at apat na lalaki ang ipinanganak nito na kasalukuyang binabantayan ang lagay

- Inakala pa ng mga doktor na septuplets o pitong babies lang ang nasa sinapupunan ng babae ngunit hindi umano na-detect ng ultrasound ang dalawa

- Ayon naman sa pahayag ng mister ng ginang, hindi ito nababahala sa kanilang hinaharap dahil ang lahat ng ito ay kaloob ng Panginoon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang babae sa Mali, isang bansa sa West Africa, ang nagsilang ng siyam na sanggol ng sabay-sabay sa pamamagitan ng caesarean section.

Ayon sa health minister ng Mali na si Fanta Siby, ang ginang at mga sanggol nito ay nasa maayos na kalagayan at binabantayan, base sa report ng Reuters.

Read also

Pinoy couple sa Canada, dalawang beses nanalo sa lotto sa loob ng wala pang isang taon

"The newborns (five girls and four boys) and the mother are all doing well," anito.

Babae sa Mali, nagluwal ng 9 na sanggol nang sabay-sabay
Photo: Baby inside an incubator
Source: UGC

Batay sa report, ang kaso ng 25-anyos na babaeng si Halima Cisse, ay pumukaw sa atensyon ng kanilang gobyerno. Nang sabihin ng mga doktor na kailangan nito ng espesyal na pangangalaga ay agad itong inilipad papunta sa Morocco, kung saan ito nanganak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon naman sa report ng Philippine Star, inakala pa ng mga doktor na septuplets o pitong sanggol lang ang nasa sinapupunan ng babae ngunit hindi umano na-detect ng ultrasound ang dalawa.

Sinabi naman ni Prof Youssef Alaoui, medical director ng Ain Borja clinic sa Casablanca kung saan ito nanganak na ang kaso ni Halima ay bihira lang.

Ayon sa report ng BBC, dati nang may naiulat na nanganak ng nonuplets o siyam na babies sa Australia noong 1971 at sa Malaysia noong 1999 ngunit walang naka-survive.

Read also

Vice Ganda, nagpatutsada sa pagkawala sa ere ng ABS-CBN pagkalipas ng 1 taon

Ang mister naman ni Halima ay masayang-masaya raw at hindi nangangamba sa kanilang hinaharap.

"I'm very happy," ayon kay Adjudant Kader Arby. "My wife and the babies are doing well."

"God gave us these children. He is the one to decide what will happen to them. I'm not worried about that. When the almighty does something, he knows why," ayon pa rito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isa pang report ng KAMI, isang babae na hindi alam na siya pala ay buntis ang nanganak sa isang flight patungong Hawaii.

Isang 23-anyos na ina naman ang nag-aalaga ng kanyang 11 na anak nang sabay-sabay.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone