Sapul sa CCTV! Health worker, patay matapos mabangga at makaladkad ng 1 tricycle

Sapul sa CCTV! Health worker, patay matapos mabangga at makaladkad ng 1 tricycle

- Patay ang isang barangay health worker matapos itong mabangga at makaladkad ng isang tricycle

- Nakuhanan pa ng CCTV ang kalunos-lunos na sinapit ng biktima

- Base sa CCTV footage, tumatawid ang babaeng health worker nang biglang bumulaga ang isang tricycle

- Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit kinalaunan ay binawian din ng buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Patay ang isang babaeng barangay health worker sa Lemery, Batangas matapos itong mabangga at makaladkad ng isang tricycle.

Ang kalunos-lunos na sinapit ng biktima, nakuhanan pa ng CCTV sa lugar.

Base sa CCTV footage na ibinahagi ng Saksi ng GMA News, tumatawid ang biktima sa pedestrian lane nang bumulaga ang tricycle na minamaneho ng isang lalaki.

Sapul sa CCTV! Health worker, patay matapos mabangga at makaladkad ng 1 tricycle
Photo: Actual footage of the incident (screen grab from Saksi)
Source: UGC

Matapos mabangga ay makikitang nakaladkad pa ang babae. Isang babae ang agad na dumalo nang makita ang nangyari.

Read also

Buntis na ginang, paulit-ulit na inayawan ng harapan ni mister

Ayon sa ulat, naisugod pa ang biktima sa ospital ngunit kinalaunan ay binawian din ng buhay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang driver ng tricycle, hawak na rin ng mga awtoridad.

Narito naman ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Ako tricycle driver aq.. Pero pg pdestrian lane na is full stop na aq bilang respeto sa mga dumadaang mga tao."

"Ingat po sana tayong lahat. Pag pedestrian lane, 'wag kang parang kumakarera kung magpatakbo. Pag ikaw naman ay tatawid, make sure tumingin ka sa kanan o kaliwa."

"Lagi sana tayo Mag ingat ang aksidente ay nasa tabi lang.. pag nasa kalsada tayo maging alisto."

"Pag malapit na sa ped lane dapat ang driver magbagal at laging isipin na baka may tatawid."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Ka Tunying, nag-TY sa baong bigay ng nakasabay sa pagpapaturok ng COVID vaccine

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isa pang report ng KAMI, nakuhanan din ng CCTV ang pamamaril ng isang sundalo sa magkasintahan sa Pangasinan. Ayon sa biktimang babae, nagpasaklolo siya sa nobyo matapos siyang sapilitang dalhin ng suspek sa isang inn.

Sapul din sa CCTV ang pagsabit ng isang lalaki sa isang kotse na kinalululanan umano ng kanyang misis at ibang lalaki nito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel