Ang tindi! Mister, sumabit sa kotse ni kabit nang maaktuhan si misis

Ang tindi! Mister, sumabit sa kotse ni kabit nang maaktuhan si misis

- Hindi na inalintana ng isang lalaki ang kanyang kaligtasan nang sumampa ito sa sasakyan ng kabit diumano ng kanyang misis

- Sa halip kasi na huminto ang sasakyan ay umandar pa ito at pilit pa umanong inilaglag si mister na nakuhanan pa ng CCTV

- Ayon naman kay misis, ineeskandalo sila ni mister noon at sinabing hiwalay na sila nito

- Posibleng maharap sa kaso si misis lalo pa nga at desidido si mister na sampahan ito ng reklamo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sapul sa CCTV ang maaksyong pangyayari sa pagitan ni mister, ni misis at kabit na talaga namang umani ng samo't-saring reaksyon sa social media.

Batay sa reklamo ni Mark Nicolas sa programang Idol in Action, papasok na raw sana siya sa trabaho nang nakita ang misis na si Riza Mae na sumakay sa sasakyan ng kabit nito.

Ang tindi! Mister, sumabit sa kotse ni kabit nang maaktuhan si misis

Ang tindi! Mister, sumabit sa kotse ni kabit nang maaktuhan si misis
Source: UGC

Sabi pa nito, kilala niya ang sasakyan ng lalaki dahil ipinopost umano ito ni misis at sinasabing karelasyon na raw ito.

Ayon pa kay mister, mayroon siyang hawak na mga ebidensiya laban kay Riza Mae na isa raw malaking patunay laban sa babae at 'di pa nakikilalang kabit nito.

Bukod sa kaso ng pangangaliwa ni misis, na malakas ang laban ni mister ayon sa isang abogado, posible ring maharap sa kasong physical injuries ang kabit nito dahil sa tinamo ni mister nang sumampa si Mark sa sasakyan at nang bungguin ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa halip kasi na huminto ay pinaandar pa ito ng lalaki kahit na alam ng mga ito na nakasampa sa hood ng sasakyan si Mark.

Depensa naman ni Riza Mae, ineeskandalo umano sila ni Mark noong nangyari ang insidente. Customer lang daw niya ang lalaking kasama at hiwalay na rin naman daw sila ni Mark.

Giit pa nga ni Riza Mae, alam ni Mark ang uri ng kanyang trabaho at ito pa umano ang siyang nagpasok sa kanya sa KTV bar na mariin namang itinanggi ng lalaki.

Dagdag pa ni misis, nagawa lamang niyang pumasok sa ganoong klase ng trabaho dahil sa hirap ng buhay at para na rin sa kanilang mga anak.

Hindi na raw kasi nagsusustento si Mark at madalas pa umanong tumigil sa pagta-trabaho.

Pero itinanggi ni Mark ang mga akusasyon ni Riza Mae laban sa kanya at sinabing masyado lamang daw maluho ang babae kaya sila nagkaroon ng problema.

Desidido naman itong magsampa ng kaso laban sa asawa at sa kabit nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isang sikat na broadcast journalist sa bansa.

Kilala ito dahil sa kanyang pagtulong sa mga Pilipino at tinaguriang "King of Public Service".

Kamakailan, naglabas ng pahayag si idol Raffy tungkol sa sundalong inireklamo sa kanilang programa at kinalaunan ay nasawi sa isang engkwentro sa Maguindanao.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel