20-anyos na dalaga at BF nito, sugatan matapos barilin ng kaibigang sundalo

20-anyos na dalaga at BF nito, sugatan matapos barilin ng kaibigang sundalo

- Sugatan ang isang magkasintahan sa Urdaneta, Pangasinan matapos pagbabarilin ng isang sundalo

- Ayon sa salaysay ng biktima, pilit umano siyang dinadala ng suspek, na napag-alamang kaibigan pala nito, sa isang inn

- Dahil dito ay nagpasaklolo siya sa nobyo ngunit humantong na nga sa pamamaril

- Inamin naman ng suspek ang kanyang kasalanan at nakaditene na sa Urdaneta Police station

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sugatan ang isang magkasintahan sa Urdaneta, Pangasinan matapos pagbabarilin ng isang sundalo.

Batay sa report ng Balitang Amianan, sinabi ng 20-anyos na dalaga, na kinilalang si Celine Fernandez, na pilit umano siyang dinadala ng suspek na si Nicho Argos sa isang inn.

Batay sa salaysay ni Celine, sumama siya kay Nicho mamasyal dahil kaibigan naman niya ito ngunit laking gulat daw niya nang dalhin siya nito sa inn.

Read also

COVID survivor, ibinahagi ang laban sa virus kasabay ng pumanaw na ama

20-anyos na dalaga at BF nito, sugatan matapos barilin ng kaibigang sundalo
Photo: Screen grab from Balitang Aminan
Source: UGC

Kaya naman nagpasaklolo siya sa kanyang nobyo na si Fernando Manzano, 28-anyos.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kuha ng CCTV, makikita pa ang pamamaril ng suspek sa dalawa na parehong nagtamo ng tama ng bala sa hita.

Agad naman silang isinugod sa ospital habang nahuli naman ang suspek.

Inamin naman ni Nicho ang krimen at kasalukuyan nang nakaditene na sa Urdaneta Police station na sasampahan ng kaukulang kaso.

"Pagdating nung boyfriend, according sa investigation, sinuntok niya itong suspek natin. Then immediately, itong suspek natin, considering na armed with firearm, binaril nga itong victim natin," ayon kay Police Major Arturo Melchor, Public Information Officer, Pangasinan PPO.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Lalaking lumabag sa curfew at umano'y pinag-pumping, na-coma at pumanaw din

Samantala, sa isa pang report ng KAMI, isang 31-anyos na ginang naman ang natagpuang patay ng kanyang mister na sundalo sa Camarines Sur.

Batay sa report, may laslas sa leeg at hinihinalang ginahasa rin ang biktima dahil nakababa hanggang tuhod ang suot nitong pang-ibaba.

Isang cellphone at charger ang natagpuan sa crime scene.

Dati naman naireport ng KAMI ang kalunos-lunos na sinapit ng isang 26-anyos na dalaga na pinagsasaksak matapos pagnakawan.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel