Bea Alonzo, pinatunayang organize siya matapos sabihin ng nanay na burara siya

Bea Alonzo, pinatunayang organize siya matapos sabihin ng nanay na burara siya

- Ibinahagi ni Bea Alonzo kung paano siya mag-ayos ng kanyang bahay lalo na sa kanyang pantry at sa kanyang ref

- Bukod sa maayos na pagkaka-imbak ng mga pagkain sa kanyang pantry, kompleto din ito sa label at maging sa label ng expiration date ng mga ito

- Matatandaang sinabi ng kanyang nanay na burara siya sa kanyang gamit sa naunang vlog na kanyang ibinahagi

- Gayunpaman, paliwanag ng aktres, mas organize lang ang kanyang kapatid kaya mas napili siya ng nanay niya nang tanungin ito kung sino sa kanila ang mas makalat sa gamit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling ipinakita ni Bea Alonzo ang kanyang pantry sa kanyang sariling bahay na nauna na ring napakita sa kanyang house tour vlog.

Sa pagkakataong ito ay ibinahagi ng aktres kung paano niya inaayos ang mga laman ng kanyang pantry at maging ng kanyang ref.

Read also

Heaven Peralejo, kinailangan isugod sa ospital matapos magpositibo sa COVID-19

Bea Alonzo, pinatunayang organize siya matapos sabihin ng nanay na burara siya
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Paliwanag ni Bea, sa kabila ng sinabi ng kanyang ina sa naunang vlog na burara siya, mahilig din siya umano mag-organize. Nauna nang ipinaliwanag ni Bea na napili siya ng nanay niya nang tanungin kung sino ang mas makalat sa gamit dahil mas OC umano ang kanyang kapatid na lalaki.

Kumpleto ang laman ng kanyang pantry at may label ang bawat lagayan ng mga pagkaing nakaimbak doon.

Bukod pa sa pangalan ng pagkain, nakalagay din ang expiration date ng mga nakaimbak sa kanyang pantry at maging sa kanyang ref.

Ibinahagi din ni Bea na naglalagay siya ng baking soda sa loob ng kanyang ref para umano hindi mangmoy ang loob nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Kris Aquino, mamimigay ng P10,000 para sa 28 na mapipiling netizens

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, kamakailan ay kinumpirma ng ABS-CBN na hindi na kabilang sa Star Magic si Bea. Naging usap-usapan din kamakailan nang mamataan sina Bea at si John Lloyd na magkasama.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel