Matteo Guidicelli, pinagmalaki sa pamilya niya ang cake na gawa ng kanyang misis

Matteo Guidicelli, pinagmalaki sa pamilya niya ang cake na gawa ng kanyang misis

- Hindi maikakailang proud na proud si Matteo Guidicelli sa kanyang asawang si Sarah Geronimo

- Kadalasan ay ibinibida nito ang kanyang misis hindi lamang sa mga netizens kundi maging sa kanyang pamilya

- Ibinahagi ni Matteo ang reaksiyon ng kanayang pamilya nang ipatikim niya sa mga ito ang cake na gawa ng kanyang misis

- Hindi maitago ni Matteo ang kanyang pagiging #proudhusband sa kanyang misis na hindi lang talented sa entablado kundi maging sa pagluluto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Matteo Guidicelli ang cake na ginawa ng kanyang misis na si Sarah Geronimo.

Aniya, patok ito sa pamilya nya at mga tao sa kanilang bahay na kanyang pinatikim niyon.

Matteo Guidicelli, pinagmalak sa pamilya niya ang luto ng kanyang misis
Matteo Guidicelli (@matteog)
Source: Instagram

Para kay Matteo, #ThebestInTheWorld ang “Cereal Milk Tres Leches cake” na gawa ng kanyang maybahay.

Sa kanyang ibinahaging video, ipinakita niya ang reaksiyon ng kanyang ina at kapatid habang tinitikman ang cake na gawa ni Sarah.

Read also

Jelai Andres, pinayuhan ang netizens na huwag pumayag maging number 2

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ladies and gentlemen, the wife made “Cereal Milk Tres Leches cake” this afternoon. And it blew everyones mind. #proudhusband #thebestintheWORLD

Marami naman sa mga followers ng tambalang #AshMatt ang natakam at napatanong kung kailan magiging available ang mga luto ni Sarah para sa publiko.

Hindi ito ang unang pagkakataon na ibinida ni Matteo ang husay ng kanyang asawa sa paggawa ng mga nakakatakam na cake. Matatandaang ipinagmalaki din ng aktor ang Lemon Blueberry Buttermilk cake na gawa ni Sarah kamakailan lamang.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Matteo Guidicelli ay isang aktor, modelo at triathlete. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa ilang serye at pelikula kagaya ng Saturday Night Chills (2013), Can't Help Falling in Love (2017) at Paglaya sa Tanikala (2012).

Read also

Stef Prescott, kinabiliban matapos niyang ibahagi ang kanyang fitness journey

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, naging usap-usapan ang photoshoot ng mag-asawang Sarah at Matteo na lumabas kamakailan. Kinunan ito matapos silang ikasal noong February 2020.

Nagdiwang sila ng kanilang unang wedding anniversary sa Palawan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel