Flight attendant na nagka-COVID, sinentensyahan nang sumuway sa quarantine rules
- Sinentensyahan ng two-year suspended jail term ang isang 29-anyos na flight attendant sa Vietnam matapos sumuway sa quarantine protocols
- Napag-alamang nagpositibo ito sa COVID-19 at nakapanghawa ng tatlong katao
- Nagresulta ito sa quarantine at testing ng nasa 2,000 katao na nagkakahalaga ng tinatayang nasa 4.48 billion dong o $194,192
- Ang Vietnam ay isa sa mga bansang hinahangaan dahil sa kanilang paglaban sa virus, sa kasalukuyan ay mayroon lang silang 2,600 COVID-19 infections at 35 na nasawi
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sinentensyahan ng two-year suspended jail term ang isang 29-anyos na flight attendant sa Vietnam nito lamang March 30, matapos sumuway sa quarantine protocols at makapanghawa.
Napag-alamang nagpositibo ito sa COVID-19 noong Nobyembre at nakapanghawa ng tatlong katao, batay sa report ng ABS-CBN News.
Kinilala itong si Duong Tan Hau na pinarusahan dahil sa "spreading dangerous infectious diseases".
"Hau's violation was serious, put society in danger, and endangered the safety of the community," ayon sa inilabas na statement ng Ministry of Public Security.
Napag-alamang sinuway ni Hau ang 14-day quarantine regulations at nakipagkita sa 46 iba pa matapos ang kanyang flight noong Nobyembre sa bansang Japan, ayon naman sa report ng Rappler.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Dapat sana ay naka-self isolate ito ngunit lumabas na pumunta pa ito sa mga cafes, restaurants at umattend pa ng English classes.
Nagresulta rin ito sa quarantine at testing sa 2,000 katao na nagkakahalaga ng tinatayang nasa 4.48 billion dong o $194,192, base sa report ng Vietnam Plus.
Ang Vietnam ay isa sa mga bansang hinahangaan dahil sa kanilang paglaban sa virus at sa kasalukuyan ay mayroon lang silang 2,600 COVID-19 infections at 35 na nasawi.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Samantala, sa isa pang report ng KAMI, dalawang turista naman sa Palawan ang hinuli matapos mameke ng kanilang swab test results.
Patuloy naman ang panawagan ng mga awtoridad na sumunod sa mga minimum health protocols upang mapigilan ang mabilis na pagkalat ng COVID-19.
Kasalukuyan nang nasa ilalim ng ECQ ang NCR at iba pang lugar dahil sa muling pagtaas ng kaso ng virus sa bansa. Nito lang Lunes nang pirmahan ni Pangulong Duterte ang ayuda para sa mga apektado nito.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh