Pasaway! 2 babaeng turista sa Palawan, huli sa pamemeke ng swab test results

Pasaway! 2 babaeng turista sa Palawan, huli sa pamemeke ng swab test results

- Nabuking ang dalawang babaeng turista sa Palawan sa pamemeke ng mga ito sa kanilang swab test results

- Batay sa mga ulat, nahuli ang mga ito nang i-check ang quick response (QR) code ng clinic na gumawa umano ng swab test

- Agad naman silang dinala sa Chelles Hotel para sumailalim sa pitong araw na quarantine

- Haharap ang mga ito sa kaso dahil sa paglabag sa Republic Act 11322

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Buking ang dalawang babaeng turista mula sa Metro Manila sa pamemeke ng mga ito sa kanilang swab test results 'pag dating ng mga ito sa El Nido, Palawan.

Batay sa report ng PhilStar, nahuli ang dalawa nang i-check ang quick response (QR) code ng clinic na gumawa umano ng swab test.

Nang mabisto ay agad silang hinuli ng municipal health officers ng El Nido sa Lio Airport, ayon sa report ng Department of Tourism (DOT).

Read also

San Miguel Corp., pababakunahan kontra-COVID ang lahat ng empleyado nila

Pasaway! 2 babaeng turista sa Palawan, huli sa pamemeke ng swab test results
Photo: El Nido, Palawan
Source: Getty Images

Agad naman silang dinala sa Chelles Hotel para sumailalim sa pitong araw na quarantine.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Batay sa report ng Inquirer, sinabi ng DOT na: "This is in violation of RA 11322 Sec (g) Tampering of Records or intentionally providing misinformation."

Haharap ang dalawa sa mga kaso dahil sa paglabag nila sa Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act, dahil sa tampering ng medical records.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Halos isang taon na mula nang mag-lockdown ang buong bansa dahil sa banta ng coronavirus. At kahit nga may vaccine nang parating ay patuloy pa ring pinag-iingat ng gobyerno at mga eksperto ang publiko sa virus.

Read also

Jhong Hilario, wagi sa unang linggo ng Your Face Sounds Familiar

Dati na ring naiulat ng KAMI nang mahuli ang isang print shop na nag-e-edit ng mga swab test results! Maraming Pinoy ang naalarma dahil sa nakababahalang balita na ito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone