Jhong Hilario, wagi sa unang linggo ng Your Face Sounds Familiar

Jhong Hilario, wagi sa unang linggo ng Your Face Sounds Familiar

- Sa unang linggo ng pag-ere ng Your Face Sounds Familiar, si Jhong Hilario ang nagwagi

- Ginaya niya ang sikat na miyembro ng grupong Black Eyed Peas na si apl.de.ap

- Ikinamangha ng mga hurado ang ipinamalas na husay ni Jhong na unang sumikat sa husay niyang sumayaw

- Pumangalawa naman si Lie Reposposa na produkto ng Tawag ng Tanghalan at Pinoy Big Brother

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Unang linggo pa lamang ng pag-ere ng palabas na Your Voice Sounds Familiar ngunit naging mainit ang pagtanggap ng tao sa mga performances ng mga celebrities na kasali.

Kabilang sina Jhong Hilario, Lie Reposposa, Geneva Cruz, CJ Navato, Vivoree Isclito, Klarisse de Guzman, Idolls at Christian Bables sa mga kalahok.

Jhong Hilario, wagi sa unang linggo ng Your Face Sounds Familiar

Jhong Hilario (@jhonghilario)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

RK Bagatsing, Jane Oineza, mukhang magkasama sa Laguna getaway

Si Jhong ang tinanghal na winner sa unang linggo ng YFSF kung saan ginaya niya si apl.de.ap ng Black Eyed Peas at kinanta niya ang awiting Bebot.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Puring-puri naman siya ng mga hurado na binubuo nina Sharon Cuneta, Ogie Alcasid at Gary Valenciano.

Narito naman ang reaksiyon ng mga netizens:

Ang galing mo Kuyz Jhong, Multitalented ka na humble ka pa, kahit saang parte ka ng showbiz ilagay sobrang galing mo, mapa sayaw, kanta sa Saigon, acting at hosting. Kaabang-abang ka talaga, We admire you. Team Alakdan ako.
Ang Galing ni Jhong!! Ka-sound niya talaga si apl.de.ap pero sayang di niya ka-face. Anyare? bat walang prosthetics? But we’ll see sa susunod na week. Sana mag level up.
Ever since grabe na tlga talent ni Jhong, khit saan ilagay acting, dancing, singing, comedy, hosting . Grabe dedication nya at never yumabang
Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, nagdiwang ng kanilang anniversary sa Palawan

Naging usap-usapan din ang naging performance ni Lie Reposposa na produkto ng Tawag ng Tanghalan at Pinoy Big Brother Otso.

Ginaya niya si Moira dela Torre at kinanta ang awiting Titibo-tibo.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime.

Kamakailan ay ibinahagi ni Jhong ang tungkol sa pagdadalang-tao ng kanyang long-time girlfriend na si Maia Leviste Azores.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel