RK Bagatsing, Jane Oineza, mukhang magkasama sa Laguna getaway

RK Bagatsing, Jane Oineza, mukhang magkasama sa Laguna getaway

- Usap-usapan ngayon ang tila nagkasabay na Laguna getaway nina RK Bagatsing at rumored girlfriend nito na si Jane Oineza

- Mapapansin sa kanilang mga posts sa social media na halos sabay silang nagpost

- Nagsimulang ma-link ang dalawa pagkatapos ng on-screen tandem nila sa isang teleserye

- Matatandaang inakusahan pa si Jane bilang third party sa hiwalayan nina RK at ng kanyang ex non-showbiz girlfriend

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinag-uusapan ngayon ang mga social media posts ng rumored couple na sina RK Bagatsing at Jane Oineza na nagpapahiwatig na magkasama sila noong weekend sa Laguna.

RK Bagatsing, Jane Oineza, mukhang magkasama sa Laguna getaway

RK Bagatsing (Photo credit: @bagatsingrk)
Source: Instagram

Base sa mga posts sa Instagram ng dalawang Kapamilya celebrities, parehas silang pumunta sa Lake Caliraya sa Laguna nitong nakaraang weekend.

Kahit hindi sila nagpost ng video o mga larawan kung saan ay magkasama sila, kapansin-pansin na parang sabay silang nagpunta sa iisang resort.

Maine Mendoza, kinaaliwan sa kanyang ibinahaging throwback picture

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sina RK at Jane ay unang nagkatambal sa 2018 teleserye nina JM De Guzman at Barbie Imperial na “Araw Gabi”. Simula noon ay na-link na ang dalawa sa isa’t-isa.

Noong Pebrero ng nakaraang taon ay nilinaw ni RK na walang kinalaman si Jane sa breakup nila ng kanyang dating non-showbiz girlfriend. Ito ay dahil inaakusahan ang aktres bilang third party sa kanilang relasyon.

“As far as I’m concerned, walang third party. We care about each other so much.
“Nag-usap kami nang maayos. We just couldn’t bring it back to what it used to be,” sabi ni RK.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa ibang interview naman sa parehong buwan ding iyon ay pinabulaanan ni Jane na sila na ni RK. Ngunit noong tanungin siya kung may posibilidad na maging sila ay naging bukas ito sa mga maaaring mangyari.

Barbie Imperial at Diego Loyzaga, inamin kung paano nagsimula ang relasyon nila
"Wala naman akong isinasara. Hindi ko naman pinipigilan at wala rin akong hinahanap. Kung darating ay darating." sagot ni Jane.

Si RK Bagatsing ay isang magaling na Kapamilya actor. Kadalasan siyang gumaganap bilang kontrabida sa mga serye, at talagang epektibo ang kanyang pagganap. Pinanggigilan siya ng mga tao sa “Wild Flower”, kung saan ay gumanap siya bilang si Arnaldo Ardiente Torillo. Naging usap-usapan din ang kanyang pagganap sa “Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi”, kung saan ay gumanap siya bilang David Garcia. Nakasama niya rito si Barbie Imperial.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kung sina RK at Jane ay hindi pa umaamin sa tunay na estado ng kanilang relasyon ay iba naman si Barbie. Sa ngayon ay mainit na pinag-uusapan ang ugnayan nito kay Diego Loyzaga.

Ilang araw lang ang nakakaraan ay ibinahagi ni Barbie kung paanong nagsimula ang espesyal na pagtitinginan nila ng boyfriend. Hindi rin pinalampas ng aktres ang kanilang mga bashers. Sa katunayan ay sinagot niya ang isang basher na nagkomento ng hindi maganda sa kanilang love story.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel