Babala! COVID test results, naaktuhang ine-edit sa 1 print shop

Babala! COVID test results, naaktuhang ine-edit sa 1 print shop

- Mabilis na nag-viral sa social media ang post ng isang netizen tungkol sa isang print shop na nahuli nitong nag-eedit ng COVID-19 test result

- Ayon sa netizen, nakita raw niya nang palitan ng babaeng empleyado ang pangalan sa naturang test result

- Sa panayam naman ng "24 Oras" sa babaeng empleyado, inamin nito na inedit nga nito ang resulta ng test result kahit pa alam nitong bawal ang ginawa

- Napag-alaman naman ng QC CIDG na namemeke nga ng mga dokumento ang nasabing print shop at wala pang business permit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mabilis na nag-viral ang post ng isang netizen tungkol sa isang print shop na nag-eedit ng COVID-19 test result.

Batay sa nasabing post ng netizen, naaktuhan niya ang isang lalaki habang pinapa-edit ang test result sa isang babaeng empleyado ng print shop.

Babala! COVID test results, naaktuhang ineedit sa 1 print shop

Photo from Facebook
Source: Facebook

"I went to a printing shop. And I saw this guy. Na pina-scan and pinapaphotoshopped yung name ng covid result to another name," ayon sa Facebook post nito.

Agad na nakarating ang insidente sa mga kinauukulan kabilang na ang doktor na nakapirma sa nasabing COVID test result at nakipag-ugnayan sa netizen.

Sa panayam ng 24 Oras ng GMA News sa uploader, sinabi nitong alam nitong bawal ang ginawa ng babaeng empleyado at ng lalaki kaya naman patago niya itong kinuhanan ng larawan at ipinost sa social media para makarating sa mga awtoridad.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Nakita ko unang una, caps lock, ‘Negative.’ So binasa ko po siya, COVID. Ta’s nakita ko po pinapalitan po ‘yung name no’ng nasa result po," anito.

"No’ng pinrint na po ‘yun nakita ko ‘yung mismong original copy, iba ‘yung pangalan na nando’n sa nando’n sa may screen. Aware po ako na hindi puwede mag-print ang kahit sino ng gano’n e," dagdag pa nito.

Nang puntahan ng 24 Oras ang nasabing print shop ay nakausap pa ng mga ito ang babaeng nakuhanan at nahuling nangdo-doktor sa COVID test results.

Naiiyak na inamin nito ang ginawa at sinabi ring alam nito na bawal ang kanyang ginawa.

"Pina-edit niya lang po… na puwede po palitan ‘yung name at saka age, ‘yun lang po," sabi nito. "Nagsabi na po ako sa kaniya bawal po e tapos pina-edit niya po."

Humingi naman ito ng tawad at nangakong hindi na raw uulit pa.

Nagbabala naman si Coronavirus Testing Czar Vince Dizon sa publiko ukol dito. Anito, mabigat na kaparusahan ang naghihintay sa sinumang mapatunayang namemeke ng mga COVID-19 test results.

Samantala, sa pamamagitan ng isang entrapment operation, nadiskubre ng Quezon City Criminal Investigation and Detection Group na namemeke ng dokumento ang nasabing print shop at nadiskubre pang walang business permit.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kasalukuyan, pumalo na sa 74,390 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa. Nakapagtala na ng 24,383 recoveries habang 1,871 naman ang nasawi.

Patuloy pa rin ang panawagan ang mga awtoridad sa publiko na mag-ingat kontra sa nakamamatay na virus.

Samantala, isa namang babae na positibo sa COVID-19 ang nakipaghabulan at namalo pa ng mga sasakyan matapos tumakas sa isang isolation area sa Quezon City.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel