2 ice cream vendor na naglako sa kinatatakutang lugar sa Masbate, di na nakauwi ng buhay

2 ice cream vendor na naglako sa kinatatakutang lugar sa Masbate, di na nakauwi ng buhay

- Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang kaanak ng dalawang ice cream vendor na umano'y napaslang sa Masbate

- Binansagang "The Point of no return" na ang isang barangay sa Cataingan, Masbate

- Sinasabing "lawless people" ang mga gumagawa ng karahasan at maging ang mga awtoridad ay hindi kinatatakutan ng mga ito

- Kinausap na ni Tulfo ang imbestigador ng naturang pangyayari at 'di nito napigilang mapagsabihan ang awtoridad na gawan agad ng aksyon ang naturang sitwasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakarating na sa programa ni Raffy Tulfo ang kalunos-lunos na sinapit ng dalawang ice cream vendor na hindi na nakauwi ng buhay mula sa paglalako sa barangay Cagbatang sa Masbate.

Nalaman ng KAMI na ang nasabing barangay ay itinuturing na "The point of no return" dahil sa sinasabi na ang sinoman na nagtutungo roon ay hindi na umano nakakalabas ng buhay.

Read also

Fire Officer, nakasulat ng kanta habang bumibiyahe sa Maynila pabalik ng Quezon

At iyon nga ang sinapit ng mag-amang ice cream vendor base sa kaanak nitong si Bernard Candidato na siyang dumulog kay Tulfo.

2 ice cream vendor na naglako sa kinatatakutang lugar sa Masbate, di na nakauwi ng buhay
Raffy Tulfo (Photo from @raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Mga "lawless people" daw ang gumagawa ng karahasang ito at hindi umano natatakot ang mga ito maging sa awtoridad.

Bagaman at binalaan na ng ilan ang mga ice cream vendor, naglakas loob pa rin itong maglako subalit nang sila ay papauwi na, pinaniniwalaang doon sila napaslang at tinangay din ang kanilang kita.

Nang makapanayam ni Tulfo si P/CPL. Rafael Gelena ang imbestigador ng naturang kaso, nabanggit nitong may suspek na sila sa karumal-dumal na krimen subalit nangangalap pa umano sila ng ebidensya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Dahil dito, hindi naiwasan ni Tulfo na masabihan ang imbestigador na sana'y agad nang umaksyon sa nakaaalarmang kaganapan sa naturang barangay.

"Sir naman, kung talagang magaling kayo, pwede namang magplanta kayo ng tinatawag na asset or police visibility sa lugar na yan nang sa gayon maprotektahan naman iyong mga pumapasok na makakalabas pa ng buhay lalo na ang mga vendor," paliwanag ni Tulfo.

Read also

Ogie Diaz, nilinaw ang tungkol sa artistang 'di na makakabalik sa ABS-CBN

"Paano mo maipa-file ang kaso hindi mo nga masabi sa amin kung ano ang mga pangalan, which means to say hindi mo kilala yung mga suspek sapagkat takot kayong pumasok doon para mag-imbestiga," pagpapatuloy pa ni Tulfo.

Ngayong nasa "Wanted sa Radyo" na ang kinahinatnan ng mga ice cream vendor, umaasa ang pamilya nitong makakamit ng mga ito ang hustisya sa walang-awang pamamaslang ng hindi pa nakikilalang suspek.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 19 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Netizen, kinuwestiyon at pinangaralan pa umano ang isang buntis ngayong pandemic

Kamakailan ay natulungan ni Tulfo ang isang lolo na naitakwil na ng kanyang sariling pamilya at inilagak na lamang sa gilid ng kanilang tahanan at doon pinatira na animo'y isang kulungan ng baboy.

Dahil kay Tulfo, madadala na lamang ang kaawa-awang lolo sa shelter at mag-aabot pa rin ng iba pang tulong ang kanyang programa para sa lolo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica