Raffy Tulfo, ibebenta ang ilang bonggang damit at sapatos para sa isang charity

Raffy Tulfo, ibebenta ang ilang bonggang damit at sapatos para sa isang charity

- Ipinakita ni Raffy Tulfo ang ilan sa kanyang mga mamahaling damit at sapatos na kanyang ibebenta

- Ang kikitain sa mapapagbentahan niya ng mga damit at sapatos ay mapupunta sa lahat sa charity

- Magkakaroon din siya ng Idol Shopping network kung saan niya ibebenta ang ilan sa kanyang mga long sleeves at sapatos

- Kung mayroon bibili, bibigyan din niya ng pruwebang larawan o kasulatan na galing talaga sa kanila ang mga produkto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa sa pinakabagong vlog ni Raffy Tulfo ngayong Marso 13 ay ang kanyang pahayag kung saan ibebenta na niya ang ilan sa mga mamahalin niyang mga long sleeves at sapatos.

Nalaman ng KAMI ang lahat ng kikitain niya sa pagbebenta ng kanyang mga magaganda at kakaibang long sleeves at shoes ay mapupunta lahat sa charity.

Read also

Store owner, labis na nadismaya sa nakawang naganap sa kabubukas lang niyang shop

"'Yun pong perang napagbentahan ng mga sapatos at mga long sleeves ko, 'yun po ay 100% ido-donate ko po sa charity," ayon kay Tulfo.

Raffy Tulfo, ibebenta ang ilang bonggang damit at sapatos para sa charity
Raffy Tulfo (Photo from @raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Ipinakita niya ang mga koleksyon ng sapatos na karamihan ay bigay sa kanya ng kanyang misis na si Congresswoman Jocelyn Tulfo.

Habang ipinakikita niya ang mga koleksyon, inalala rin ni Tulfo ang kanya noong pinagdaanan kung saan nanghihiram lamang siya ng mga sapatos sa kanyang nakatatandang kapatid.

Mula sa pinakauna niyang sapatos hanggang sa pinakamahal at maging ang ayaw niyang sapatos ay kanyang ipinakita at ang ilan sa mga ito ay kanyang ibebenta.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Maging ang mga mamahaling long sleeves niya na nakikita ng mga tagasubaybay niya sa kanyang programa ay bahagi rin ng kanyang ipagbibili para makalikom ng pera para sa charity.

Magkakaroon din siya ng "Idol Shopping Network" kung saan makikita ang mga pagpipiliang gamit ni Tulfo at kung saan din ito maaring bilhin.

Read also

Sharon Cuneta, sinupalpal ang basher na nanghamak sa kanya

At kung isa sa mga papalaring makabili, bibigyan ni Tulfo ng larawan at kasulatan bilang katibayan na galing sa kanila mismo ang sapatos o damit na nabili.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may 19 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay natulungan din ni Tulfo ang isang taho vendor na bitbit ang anak sa paglalako dahil iniwan umano siya ng kanyang misis. Nagkaroon ito ng sariling food cart business mula kay Tulfo.

Gayundin ang isang batang nakaligtas nga sa COVID-19 subalit naging stage 4 naman ang cancer nito. Patuloy na sinusuportahan ni Tulfo ang gamutan ng bata.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica