Bea Alonzo, handang iwanan ang career para sa lalaking totoong magmamahal sa kanya

Bea Alonzo, handang iwanan ang career para sa lalaking totoong magmamahal sa kanya

- Ibinahagi ni Bea Alonzo ang pangalawang bahagi ng video na ginawa niya kasama si Ian Veneracion

- Dito ay sumabak sila sa Lie Detector Challenge ngunit napagkasunduan nilang huwag na lang gumamit ng laruan na kadalasang ginagamit sa ganitong challenge

- Silang dalawa ang magsasabi kung nagsasabi ng totoo o nagsisinungaling sila kapag sumasagot

- Sila Bea at Ian ay minsang nagkasama sa teleseryeng "A Love to Last" kung saan gumanap silang magkasintahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang linggo matapos ibahagi ni Bea Alonzo ang video nila ni Ian Veneracion kung saan nag-dinner date sila, muling nagpakilig ang dalawa sa kanilang "Lie Detector Challenge."

Imbes na gumamit ng nakasanayang laruan para sa ganitong challenge, napagkasunduan nilang sila na lang ang huhusga kung nagsisinungaling o nasasabi ng totoo ang tinatanong.

Bea Alonzo X Ian Veneracion Bea Alonzo X Ian Veneracion
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Judy Ann Santos, kinilig sa pagpaparanas ni Ryan Agoncillo ng prom sa kanya

Kabilang sa naitanong kay Bea ay kung handa ba itong talikuran ang lahat para sa pag-ibig.

Agad na sumagot si Bea na kaya niya. Ngunit napag-isip-isip niya na baka hindi din niya kaya kung mawawala ang lahat sa kanya.

Binawi niya uli ang kanyang sagot at sinabing kung mamahalin siya nang totoo habangbuhay ay kaya niya umanong iwan ang lahat.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Gayunpaman, aniya, kung totoong mahal siya ay hindi siya umano papipiliin na iwan ang mga bagay na gusto niyang gawin sa buhay.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Eto yung conversations na gusto mo na naririnig mo sa guy friend mo, on a friday night. Gandang week-ender, pampawala ng stress. Yung parang, di ka naman naghahanap ng boyfriend or any other intentions.. yung usap lang talaga. Yung solid na magandang conversations ng babae at lalaking magkaibigan. Hirap na hanapin ng ganito. Ang saya pakinggan.

Read also

Sharon Cuneta, natangayan ng P500,000 ng isang taong kanyang pinagkatiwalaan

They're obviously very close to each other. They can say what they want. Sana all!
Reflective and learning convo between intelligent individuals. Honest to goodness convo between friends. Love this episode.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Samantala, kamakailan ay kinumpirma ng ABS-CBN na hindi na kabilang sa Star Magic si Bea. Naging usap-usapan din kamakailan nang mamataan sina Bea at si John Lloyd na magkasama.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel