GF na nasa Pinas at BF na nasa USA, naikasal kahit malayo sa isa't isa

GF na nasa Pinas at BF na nasa USA, naikasal kahit malayo sa isa't isa

- Natuloy sa pamamagitan ng 'WebWed' ang kasalan ng Pinay na si Donna Armstrong at kanya na ngayong mister na si Richard Armstrong

- Dahil sa pandemya, hindi natuloy ang kanilang pag-iisang dibdib noong Mayo 2020

- Hindi na nakabalik ng bansa noon si Richard dala ng mga travel restrictions

- Subalit noong Agosto din ng nakaraang taon, natuloy ang kanilang pag-iisang dibdib kahit nasa Amerika si Richard habang nasa Pilipinas naman si Donna

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Walang nakapigil sa pag-iisang dibdib ng Pinay na si Donna May at mister na niya ngayong si Richard Armstrong.

Nalaman ng KAMI na magkahiwalay ang magkasintahan nang sila ay ikinasal noong Agosto ng nakaraang taon.

Sa kanilang YouTube channel na The Armstrong Family, ibinahagi nila kung paano nila naisakatuparan ang kanilang kasalan kahit nasa Amerika noon si Richard habang nasa Pilipinas naman si Donna.

Read also

Seller, nasaktan umano ng buyer dahil bike at 'di pala motor ang binibenta nito

GF na nasa Pinas at BF na nasa USA, naikasal kahit malayo sa isa't isa
Sina Donna at Richard Armstrong (Photo credit: Donna Mhay Armstrong)
Source: Facebook

We had plans to Marry last Mat of 2020 but plans changed with border closures and lockdowns," kwento ni Richard.

Ngunit hindi ito naging hadlang para pakasalan niya ang babaeng pinakamamahal niya.

Kaya naman noong Agosto ng nakaraang taon, ikinasal sila sa pamamagitan ng "WebWed" kaya naman kahit na hindi magkasama ay naging "mister" at "misis" pa rin sila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

"So what it wasnt a chapel wedding or a garden wedding we still had the most memorable wedding in the history of mankind and its something we will tell generations to come that we didnt let the pandemic stand in the way of our love," pahayag ni Richard na nagpakita ng labis na pagmamahal sa kanyang pinakamamahal na si Donna.

Dahil dito, kasama ang kanilang baby girl, mas lalong tumibay ang kanilang relasyon.

Read also

Claudine Barretto, muling ibinahagi ang naunang post tungkol sa "lying hypocrite"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay naibahagi rin ng KAMI ang nakakakilig na love story ng Pinoy na si Bryan Calonia at kasintahan nitong si Jasmina na isang Finnish. Matapos nilang magkakilala sa cruise ship kung saan nagtatrabaho bilang bartender noon si Bryan, hindi na sila nagkahiwalay pa.

Hindi rin nalalayo rito ang kwento ng love story ng Pinoy na si Eugene at Lithuanian girlfriend nito na si Vika. Sa kabila ng ilang di pagkakaunawaan dala ng kanilang pagkakaiba ng nasyunalidad, sumama na rin si Vika kay Eugene at dito na piniling manirahan sa Pilipinas.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel