Claudine Barretto, muling ibinahagi ang naunang post tungkol sa "lying hypocrite"

Claudine Barretto, muling ibinahagi ang naunang post tungkol sa "lying hypocrite"

- Muling ibinahagi ni Claudine Barretto ang kanyang kontrobersiyal na post ilang araw matapos lumabas ang tungkol sa relasyon nina Julia Barretto at Gerald Anderson

- Dati niya nang naibahagi ito sa kanyang Instagram account noong nakaraang taon, buwan ng Disyembre

- Naging palaisipan naman sa ilang netizens kung para kanino itong mensaheng ito dahil sa naging isyu sa kanila ni Jodi Sta. Maria kamakailan

- Matatandaan ding nagkaroon ng sigalot sa pagitan nilang magkakapatid at maging ang mga pamangkin niya na anak ni Marjorie Barretto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kasunod ng muling pagbabahagi ni Claudine Barretto ng kanyang post noong Disyembre noong nakaraang taon, naging palaisipan sa ilang netizens kung para kanino ang kanyang #sideswipe quote.

Ibinahagi ni Claudine ang kanyang kontrobersiyal na post ilang araw matapos lumabas ang tungkol sa relasyon nina Julia Barretto at Gerald Anderson.

Read also

Judy Ann Santos, kinilig sa pagpaparanas ni Ryan Agoncillo ng prom sa kanya

Claudine Barretto, muling ibinahagi ang naunang post tungkol sa "lying hypocrite"
Photo from Claudine Barretto (@claubarretto)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naging palaisipan para sa ilang netizens kung para ba ito kay Julia o kay Jodi Sta. Maria. Matatandaang naglabas ng sama ng loob si Claudine kaugnay sa napabalitang relasyon nia Jodi at dating asawa ni Claudine na si Raymart Santiago.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ikinasama ng loob niya na hindi man lang naipaalam sa kanya at hindi naihanda ang mga anak niya dahil hindi umano nila ito kinausap kagaya ng pagpapaliwanag nila sa anak ni Jodi.

Gayunpaman, matatandaang Disyembre nang nakaraang taon unang ibinahagi ni Claudine ang linyang “I would rather be known in life as an honest sinner, than a lying hypocrite.”

Noong panahong iyon ay wala pang lumabas na isyu sa kanila ni Jodi kaya marami ang naniniwalang hindi ito para sa kasalukuyang karelasyon ni Raymart.

Read also

Sharon Cuneta, natangayan ng P500,000 ng isang taong kanyang pinagkatiwalaan

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Claudine Barretto ay nagsimulang makilala nang mapabilang siya sa "Ang TV" noong taong 1992. Nang sumunod na taon, napabilang siya sa palabas na pinagbibidahan ng comedy king na si Dolphy Quizon na "Home Along Da Riles." Kabilang sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Mula sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Marina, at Iisa Pa Lamang. Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong taong 2006 ngunit kalauna'y nagkahiwalay din.

Matapos ang naganap na kaguluhan sa kanilang magkakapatid, inamin ni Claudine na nawalan na siya ng pag-asa na magkakaayos sila ng kapatid na si Marjorie Barretto.

Matatandaang naging usap-usapan din ang pagsampa ng kaso ni Claudine laban sa dating asawa na si Raymart kaugnay sa hindi nito pagtupad sa ipinangakong sustento sa kanilang mga anak.

Read also

Bea Alonzo, na-hot seat sa isang panayam ni Ethel Booba

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel