Seller, nasaktan umano ng buyer dahil bike at 'di pala motor ang binibenta nito

Seller, nasaktan umano ng buyer dahil bike at 'di pala motor ang binibenta nito

- Viral ang post ng isang seller na nabugbog umano ng kanya sanang buyer ng "motor"

- Sa kanyang post, aakalain nga naman motor ang kanyang binebenta sa halagang Php10,000

- Kaya naman agad na mayroong nag-message ka sa kanya at interesadong bilhin ang "motor"

- Subalit hindi pala ito motorsiklo kundi bisikleta lamang dahilan para magalit umano ang buyer sa pag-aakalang naka-jackpot na sana siya sa motorsiklo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang post ng netizen na si Ejerson Mayor Pendre tungkol sa ibinebenta niya umano na isang "motorsiklo"

Sa unang tingin, tila iisipin mo nga naman na makakamura ka na sa halagang Php10,000 para sa isang motor na mukhang maayos naman ang bihis.

Kaya naman hindi nakapagtataka kung bakit agad na may nagpadala ng mensahe kay Ejerson at nagsabing interesado sa motor na ibinibenta nito.

Read also

Ina, ibinahagi ang nakakaantig na ginawa ng mga motorista maisalba lang ang buhay ng anak

Seller, nasaktan umano ng buyer dahil bike at 'di pala motor ang binibenta nito
Photo from Ejerson Mayor Pendre
Source: UGC

Kaya naman nakipag-meet up daw si Ejerson para sa bentahan ng motor subalit, nabugbog lamang umano siya ng kanya sanang buyer.

Nang ipakita pa ni Ejerson ang ibang larawan ng "motor", isa pala itong bisikleta na may bihis motorsiklo lang sa unahan.

Dahil dito, naisip ng netizens na kaya naman napahamak ang seller ay dahil sa bike pala ang ibinibenta at hindi motorsiklo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ang kulit ni kuya, kaso nasampolan ka po tuloy. Ingat ingat din!"
"Sa unang tingin kala ko naka-jackpot na yung buyer kaso bike pala"
"Pati akong kaibigan mo mabibiktima mo sana"
"Haha, legit ba ito? kung ako si buyer, bibilhin ko pa rin kaso tatawaran ko lang"
"Angas kaya, tawad na lang po kuya pwede?"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Viral na jeepney driver na namamalimos, "nagkakalog" pa rin makalipas ang 1 taon

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, ay nag-viral din ang isang binatilyo na magdiriwang ng ika-17 ngunit mali ang number balloon ng dumating. Kinagiliwan ng mga netizens ang makulit na post na ito na madali lamang daw masolusyunan dahil sa pagbabaliktarin lamang ang ang natanggap na numerong 7 at 1.

Samantala, sa kabila ng kwelang post na ito ng binatilyo sa kunwaring maling order, hindi naman biro para sa iba ang pagkakaroon ng fake order o prank order lalo na sa mga delivery rider.

Noong nakaraang taon, nakailang beses nang nabalita ang mga delivery rider na nabibiktima umano ng fake orders na nagreresulta sa pagkabawas ng kanilang kinita sa araw na iyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica